Walang kalabaw: Lalaking mano-manong itinutulak ang kartilya ng panindang wood craft nagpaantig sa netizens




Larawan mula sa TikTok video ni Crystal
  • Kinaantigan ng mga netizens ang kalagayan ng isang matandang lalaking mano-manong itinutulak ang napakarami niyang paninda
  • Makikita sa isang TikTok video ang sakripisyo ng matandang lalaki upang kumita ng pera
  • Ayon sa uploader, kung saan daw abutan ng dilim ang matanda ay doon na siya natutulog

Sa panahon ng pandemya, maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho. Dahil dito, kanya-kanyang diskarte na lang ang mga mamamayan upang kumita ng pera. Sa panahong ito ay nasusubok ang kasipagan at katatagan ng marami sa atin.

Ngunit kung tiyaga at katatagan ang pag-uusapan, isang lalaking nagtitinda ng wood craft sa kalye ang patunay.

Trending ngayon sa TikTok ang video ng user na si Crystal kung saan makikita ang isang matandang lalaking mano-manong itinutulak ang kartilya niyang puno ng paninda.

Larawan mula sa TikTok video ni Crystal

Sa video, makikitang bumaba si Crystal sa kanyang sasakyan dahil nakita ang lalaking pagod na pagod nang itinutulak ang kartilya na puno ng mga panindang yari sa kahoy at tela. Laking gulat ng uploader dahil akala niya ay may kalabaw na nagtutulak sa kartilya ngunit wala pala.

Tipikal kasing mayroong kalabaw na humihila sa kartilyang tulad nito na puno ng mga paninda na naging bahagi pa nga ng kulturang Pilipino. Sa caption naman, ibinunyag ni Crystal na sa kartilya na rin nakatira ang lalaki at kung saan abutan ng dilim, doon na siya matutulog.

Dahil likas na matulungin si Crystal na makikita rin sa kanyang ibang TikTok videos, agad niyang binigyan ng tulong ang matanda. Bumili si Crystal ng iba-ibang tinda ng matanda. Binigyan na rin ito ng tip sabay ipinanawagang tulungan ang matanda.

“Akala ko may kalabaw, wala pala. Mano-mano… Diyos ko, ang hirap-hirap nito…  Ang hirap niyan… Nagtutulak talaga siya ang init-init!” pahayag ni Crystal sa kanyang video.

Larawan mula sa TikTok video ni Crystal

Dahil dito, agad na nag-viral ang video at maraming netizens ang naantig sa kalagayan ng matanda. Ayon sa ilang netizens, kitang-kita raw sa mukha ng lalaki ang pag0d sa pagtatrabaho nang nakabilad sa araw. Hanga rin daw sila sa kasipagan ng matanda.

“He deserve respect and love. Ang dakilang manggagawa… Mabuhay po kayo!” pagpupugay ng isang netizen.

Mayroon din naman nang mga nakapanood ng video na hinahanap na ang tindero upang mabigyan din ng kaunting tulong.

Panoorin ang video rito:

@csj0807PART 1. GRABE! This is no joke.. inuubos nya ang mga paninda bago umuwi.. kung san sya abutan ng gabi dun na sya sa kariton matulog. 😞 ##fyp

♬ original sound  – 💎CRYSTAL💎

Source :

TikTok, TikTok Ph