Sen. Manny Pacquiao may liham sa Chinese embassy, hinihiling na tantanan na ang West Philippine Sea




Imahe mula sa Facebook account ni Senador Manny Pacquiao/Public Domain Image
  • Personal na sumulat si Senador Manny Pacquiao sa embahada ng China
  • Hinggil ito sa usapin ng West Philippine Sea
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Inamin ng ‘Pambansang Kamao’ at senador na si Manny Pacquiao na nagpadala siya ng isang personal na liham sa embahada ng China na hinihiling ang pag-alis ng mga sasakyang pandagat ng mga Chinese sa West Philippine Sea, bago pa man ang pagpirma ng mga senador ng resolusyon kaugnay ng isyu sa Julian Felipe Reef, kung saan hindi siya pumirma.

Aniya, hindi naman daw nabalita ng media ang kaniyang ginawa, ngunit nais niyang sabihin na kaya hindi siya pumirma sa ginawang resolusyon ni Senador Drilon, ay dahil nauna na nga siyang nagpadala ng kaniyang personal na liham.

Imahe mula sa Facebook account ni Senador Manny Pacquiao/Public Domain Image

“Hindi naman na-media ‘yung sulat ko sa Chinese Ambassador dahil personal letter ko yun. Two weeks after, Senator Drilon passed a resolution of the same nature which I did not sign because I already had a letter pending before the Chinese Ambassador here,” aniya.

“The continuing presence of Chinese ships at the said reef, which is within the Philippines’ exclusive economic zone and continental shelf, only creates tension and harbors divisiveness in our region and evidently destabilizing to the international rule of law,” bahagi ng liham ng senador kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian noong Abril 10, 2021.

Dagdag pa nito, “In line with this, we reiterate our call to your government to promptly withdraw these vessels from our territory. We demand nothing less than for your country to respect our sovereignty.”

Sa panahon daw ng pandemya, ito ang pagkakataon ng China upang maging ‘unifying figure of regional solidarity.’

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Mas matapang pa siya sa kilala nating lahat na dapat number 1 na nagtatanggol sa atin hahaha. Go lang, Senator Manny! Bigyan mo sila ng isang malakasang punch at upper cut!” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Please don’t think you’re more powerful than the 11 senadors who made the resolution accordingly. You should have signed it though even if you sent a separate letter. Acting like superior ka naman eh.”

“Your personal letter is okay but it would have been much better if you signed together with all senators to show oneness and solidarity as a body,” saad naman ng isa.

Nitong mga nagdaang araw ay kapansin-pansin ang pagiging agresibo ng mga Chinese vessels sa palibot ng kontrobersyal at pinag-aagawang West Philippine Sea.