Restaurant sa Rizal na nagtayo ng community pantry na mistulang grocery




Imahe mula sa Facebook account ni Mike Yulo
  • Mala-grocery ang community pantry ng isang restaurant sa Taytay, Rizal
  • Bukod dito, may points sytem at vouchers din silang pinamimigay sa mga tao para mas maging maayos at sistematiko ang pamamahagi at pagkuha
  • Pinusuan naman ito ng mga netizens dahil magandang ideya raw ito

Marami ang humanga sa itinayong community pantry ng isang restaurant sa Taytay, Rizal dahil nagmistulang grocery na ito, at bukod rito, gumagamit din sila ng ‘point system’ at mga voucher para sa mga nais kumuha ng pagkain.

Makikita ang mga larawan ng RBA Restaurant sa Facebook post ng netizen na si Mike Yulo. Dahil mala-grocery o supermarket ang dating nito, nasusunod ang social distancing at maraming mapamimilian ang mga taong kukuha rito.

Imahe mula sa Facebook account ni Mike Yulo

“Sharing some images and videos from the community pantry project at RBA Restaurant of Madame Kimmy supported by majority of iFERN Luxury Car Club members and Presidential Directors. It is now on day 3, and have helped more than 500 families already,” aniya.

Kaya raw may point system ay upang maipakita ang ‘dignity to choose’ ng mga tao: upang maipakita talaga ang tagline na ‘Kumuha batay sa pangangailangan.’

Dagdag pa niya, “Hindi lang bad news ang nagte-trending, #kindness and #generosity din! Let’s make this blow up!”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Gusto ko yung konsepto ng point system and voucher. Thank you po for being generous. Grabe po ang tulong ninyo sa mahihirap,” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Maganda po iyang ganyang sistema. May mga points bawat items para kontrolado ang pagkuha at magkakaroon din ng chance yung iba at hindi mauubusan. God bless po sa inyo!”

“Dapat ganito, pinag-isipan nang mabuti yung sistema ng distribution, point system and voucher. Well-organized. Kudos!” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Mike Yulo

Wika naman ng isa, “Dapat ganito yung ginawa doon sa pantry last week para hindi nagkagulo, namigay na sila beforehand ng vouchers kaya limited or bilang lang na tao na pupunta on a daily basis.”

Nakakatuwa ang point system at voucher, hindi ba? Mas organisado nga naman!