‘We’re out of the woods:’ Rhian Ramos ibinahagi ang pagtatagumpay kontra-COVID-19




Imahe mula sa Instagram account ni Rhian Ramos
  • ‘We’re out of the woods’
  • COVID-19 free na sina Rhian Ramos at ang road manager niyang si Rachel Librado
  • Isinalaysay niya ang kaniyang pakikipaglaban sa virus sa kaniyang IG

Ibinahagi ng Kapuso actress na si Rhian Ramos na siya ay nagpositibo sa COVID-19, subalit ligtas na ngayon, at wala nang dapat pang ipangamba ang kaniyang mga kaibigan, katrabaho, mga tagahanga at tagasuporta.

Sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Abril 7, 2021, sinabi niyang ‘Out of the woods’ na sila ng kaniyang road manager na si Rachel “Rach” Librado, na katulad niya ay tinamaan din ng COVID-19. Naisadokumento niya ang lahat sa pamamagitan ng video montage sa Instagram.

Imahe mula sa Instagram account ni Rhian Ramos

“The past few weeks have been harrowing at times, but I’m not really here to scare anyone, just sharing how grateful I am for life, health, love, and friendship. Thank you to everyone who sent us encouragement and help through this experience,” saad ni Rhian sa kaniyang IG post.

“It meant the world to us and I’ll always remember how much you’ve blessed us.. (you know who you are)
Can I just say though. The light at the end of the tunnel is wonderful. If you or someone you know is still going through the COVID battle, stay motivated my friend. Keep your morale up.”

Iba raw ang pakiramdam niya nang masilayan na ang resultang negatibo na siya mula sa virus.

“When you see your first negative result, you’ll be overcome with relief and that feeling you’ve been dreaming of, where for 5 minutes there’s finally no fear. God bless our countrymen and God bless our health workers. Praying for you all out there. Stay safe.”

Imahe mula sa Instagram account ni Rhian Ramos

Nagpaabot naman ng pagbati ang ilan sa mga netizens, para sa 30 taong gulang na aktres.

“Welcome back, thanks God you get recovered. Keep safe and boost your immunity!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Good to hear you are ok now also Rachel. Keep safe always! Please consider donating convalescent plasma.”

“Thank God you’re both okay. I am praying for you lagi.,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Instagram account ni Rhian Ramos

Si Rhian ay isang certified Kapuso actress, commercial model, singer, at race car driver. Una siyang nakilala sa series na ‘Captain Barbell’ at ‘Stairway to Heaven,’ ‘Lupin,’ at marami pang iba. Markado ang kaniyang pagganap sa ‘The Rich Man’s Daughter’ kasama si Glaiza De Castro.