Waiver bago makuha ang ayuda sinita ng mga residente ng San Jose Del Monte, Bulacan




Imahe mula sa Facebook page na Balitang SJDM
  • Inirereklamo ng ilang mga residente ng City of San Jose Del Monte, Bulacan ang waiver sa pamimigay ng ayuda 
  • Para sa kanila, hindi ito katanggap-tanggap
  • Sinegundahan naman din ito ng isang abogado

Ibinahagi ng isang residente ng City of San Jose Del Monte, Bulacan ang isang waiver na kailangan umanong pirmahan ng mga taong nakakuha ng ayuda o cash assistance, kahit na 1,000 piso lamang ito.

“Sa aking pagtanggap, aking kinikilalang nasapatan ang aking karapatan, at wala na akong habol, reklamo, o hinaing pa ukol dito laban sa anumang ahensiya ng gobyerno o opisyal ng pamahalaan ukol sa pamimigay ng NCR Plus Ayuda,” saad sa waiver na wala namang pirma ng mga kinauukulan ang makikita sa Facebook post.

Imahe mula sa Facebook page na Balitang SJDM

Nakalagay sa waiver na ang signatories o mga pipirma rito ay ang benepisyaryo ng ayuda, ang mga saksi o witness na DSWD Representative, Treasurer’s Representative, at Representative. Nakalimbag din ang pangalan ng abogado na magtatatak sa notaryo nito, subalit wala ring pirma mula sa kaniya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Bakit kailangan pa ng waiver? Malinaw naman ang anunsyo mula sa palasyo, na kailangang 4,000 piso ang ibigay sa bawat pamilya. 1,000 piso sa bawat kasapi. Nakakaloka ang San Jose Del Monte, Bulacan,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Void ang waiver na yan. Rights may be waived, unless it is contrary to law, morals, and public policy.”

“We, the people of San Jose Del Monte, Bulacan are asking you to investigate and expose the wrong doings of our local government whether it is about the budget given by the national government as ayuda for the ECQ affected areas and some issues like making huge AR initials made by cements during the lock down and so on and so forth. We hope that you will notice and take actions regarding these matters, because we don’t really know what’s going on in our mayor’s office and their plans for the people of the City of San Jose Del Monte Bulacan,” saad naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Balitang SJDM

Matatandaang ipinahayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na kailangang mabigyan ng ayudang 4,000 piso kada pamilya.

Isang abogado naman na nagngangalang Atty. Earl Tan ang tiyak na nagsabing ilegal ang waiver na ito, lalo na sa ayuda.

“A WAIVER is a LEGAL BINDING provision where either party in a contract agrees to voluntarily forfeit a claim without the other party being liable.”

“Ang ibig pong sabihin: ito po ay ang boluntaryo ninyong pagsuko o pagtalikod sa inyong karapatan na MAGREKLAMO, MAGHABOL, KWESTYUNIN AT MAGDEMANDA; KUMBAGA, KINIKITIL ang ANUMANG KARAPATAN ninyo.”

“Kung ibabase po natin ito sa ISYU NG AYUDA: ang PAGPIRMA PO ninyo sa WAIVER na TUMANGGAP kayo ng 1k ay nangangahulugan na KINILALA NINYO ANG KASAPATAN NG INYONG NATANGGAP at hindi na kayo maghahabol pa sa kakulangan kung meron man.”

“PARA PO SA AKIN, ang WAIVER na yan ay ILLEGAL, at HINDI PO LEGALLY BINDING dahil po ito ay TALIWAS sa PAMPUBLIKONG POLISIYA.”

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng San Jose Del Monte, Bulacan hinggil dito.