Video ng asong takot maligo kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook account ni Marilyn Payad Dela Cruz/DOG LOVERS PHILIPPINES
  • Kinaaliwan ang isang video na ibinahagi sa isang Facebook page
  • Makikita ang isang pet dog na nagsusumiksik sa kilikili ng kaniyang amo 
  • Tila ayaw maligo ng naturang pet dog

Sabi nga, ang pag-aalaga ng pet dog ay parang pag-aalaga rin ng sanggol o anak. Kailangan din itong pakainin, bigyan ng inumin, ilagay sa maayos na lugar, yakap-yakapin, at paliguan. Mas masarap yakapin at himas-himasin ang fur babies lalo na’t malinis.

Subalit sa ibinahaging video ng netizen na si Marilyn Payad Dela Cruz sa Facebook page na ‘DOG LOVERS PHILIPPINES,’ makikita ang isang nakatutuwang eksena sa pagitan ng isang fur baby at kaniyang amo na nakayakap sa kaniya.

May caption itong “Yung alaga mong takot maligo.”

Imahe mula sa Facebook account ni Marilyn Payad Dela Cruz/DOG LOVERS PHILIPPINES

Batay sa video, sa tuwing binabanggit ng mga taong nakapaligid sa kanila ang “Ligo na! Ligo na! Hayan na ang pinainit na tubig,” tila nauunawaan naman ito ng aso at nagsusumiksik ang ulo sa kilikili ng kaniyang amo.

Kapag sinabi naman nilang “Wala na, wala na, hindi na maliligo,” saka lamang aalisin ng naturang cute na aso ang kaniyang mukha mula sa pagsusumiksik, subalit kapag sinabi ulit na “Kunin na ang tubig at tuwalya,” muli itong yayakap at susubsob sa kilikili ng kaniyang amo.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahaha, nakakatuwa naman siya! Maliligo ‘yan basta hindi malamig ang tubig, dapat warm water lang gaya ng tao nilalamigan din mga ‘yan,” turan ng isa.

Saad naman ng isa, “Hehehe. Ang cute naman ni Dogie. Ayaw maligo, magpapa-cute daw muna siya.”

Imahe mula sa Facebook account ni Marilyn Payad Dela Cruz/DOG LOVERS PHILIPPINES

“It reminds me of my pet dog Janggo. Si Janggo namin ganyan din po, kapag makakakita na siya na nilagyan ng tubig ang balde at makita na niya ang sabon, doon na siya sa ilalim ng dirty kitchen sa may lutuan magtatago at manginginig… hahaha,” pagbabahagi naman ng isa.

Marami pang mga fur parents ang nagbahagi rin ng kanilang mga karanasan sa pagpapaligo ng kanilang fur babies.

Samantala, noong Marso 2020 naman, trending din ang larawan ng isang katatapos lamang maligo na aso at nakatapat sa bentilador at bino-blower pa upang matuyo agad ang balahibo at hindi malamigan. Mukhang nakabusangot ang mukha ng aso sa kabila ng effort ng kaniyang tapapag-alaga.

Imahe mula sa DF News

Marami ang na-good vibes sa asong nawala sa mood dahil napaliguan. Agad na nag-viral sa social media ang larawang ito ng mag-amo.

Tamad maligo? Asong nakasimangot matapos paliguan ng amo, naghatid ng good vibes online

Ikaw, may ganito ka rin bang pet dog o fur baby na ayaw maligo?

Samantala, panoorin ang video via Facebook ni Marilyn Payad Dela Cruz:

I-CLICK ANG IMAHE PARA SA VIDEO via Facebook
Source :

Facebook, DF News