Twitter post ni Regine Velasquez: “Bakit parang pinabayaan na lang tayo?”




Public Domain Image
  • Pinag-usapan ang Twitter post ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid
  • Parinig niya, parang pinabayaan na daw tayo
  • Umani ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

“Bakit parang pinabayaan na lang tayo?”

Iyan ang direkta at matapang na unang pangungusap sa Twitter post ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid nitong Abril 9, 2021, na bagama’t hindi pinangalanan kung sino ang tinutukoy niyang nagpapabaya, ay pumapatungkol naman sa liderato ng bansa na siyang dapat na nangangalaga sa mga mamamayan.

Imahe mula sa Twitter account ni Regine Velasquez-Alcasid

“Kanya-kanya, matira matibay ganoon na lang ba talaga? People are dying, people we know, relatives, friends! Every single day may nalalagas sa atin. What’s happening??” saad ng Songbird sa kaniyang Twitter post.

Syempre, umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hindi tayo pinabayaan, walang gusto sa kung anong nangyayari sa ‘tin ngayon. We just need to pray and help each other out! Huwag nating isisi sa gobyerno lahat. We can do things even small things to help others, lalo na kung may kakayanan tayo para tumulong,” sagot ng isang netizen.

Turan naman ng isa, “Nakakapanlumo. Sa lahat ng problema, walang magandang solusyon ang gobyerno. Hindi marunong tumanggap ng suggestions.”

“Sad reality these days! What we can do is to continue to be strong, do our part and most importantly to hold unto HIM and to not loose hope!” wika naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Hindi naman tayo pinababayaan ng gobyerno! Huwag kasi puro negative ang tinitingnan ninyo. Puro kayo ngawngaw. Tumulong na lang tayo sa mga nangangailangan, lalo na kung may kakayahan naman gaya mo.”

Public Domain Image

“Exactly. That’s how I view it. I TRIED to be optimistic and appreciate what the government has been doing but it’s not enough. We should never settle for mediocrity. Mediocrity pushed us to the bottom of the pit,” komento naman ng isa.

Sa pagpasok ng Abril ay nakalulungkot ang ulat ng patuloy pang pagtaas ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, kaya naman patuloy na ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa NCR at bubble areas.

Source :

Twitter, Push, Bulgar