Toxic mindset: “Utangan natin siya kasi malakas siya kumita”




Public Domain Image
  • Pinuna ng isang motivational speaker ang isa sa mga toxic mindset ng mga Pilipino
  • Ito ay ang pag-utang sa isang taong may lumalakas na kita o kabuhayan
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Inutangan ka na ba ng iyong kaanak, kaibigan, o kakilala dahil ‘malakas ka raw kumita?’

Iyan ang pinunang ‘toxic Filipino mindset’ ng multi-awarded financial advisor, entrepreneur, at motivational speaker na nagngangalang ‘Jacklord Esguerra’ sa kaniyang Twitter post. Tahasan niyang sinabi na hindi porke’t gumaganda at lumalakas ang kita ng isang tao, eh uutangan at uutangan na palagi.

Imahe mula sa Twitter account ni Jacklord Esguerra

“Hindi porke’t gumaganda at lumalakas ang kita ng isang tao, eh uutangan at uutangan natin palagi. Nagsusumikap yung tao para sa pangarap niya. Kapag kumikita rin ‘yan, hindi niya ito ginagastos kung saan-saan lang, iniipon niya ‘yan para paikutin sa business o investments,” ayon sa kaniyang Twitter post.

Sinegundahan naman niya ito sa kaniyang Facebook post.

“Kay ano ka umutang, malakas kumita ‘yun. Isa sa mga toxic na mindset ng ibang tao kapag nakikitang gumaganda ang career or business mo. Kapag pinautang mo, hindi ka rin babayaran on-time kasi iniisip nila kikitain mo rin naman ‘yung inutang nila,” saad ni Esguerra.

“Huwag tayo maging hadlang sa pagiging maunlad ng mga taong nagsusumikap sa buhay. Mali ‘yun,” dagdag pa niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hay naku, ganyan nga ang mga tao. Kilala ka lang kapag may kailangan sa iyo. Tapos kapag hindi mo naman pinautang, sila pa ang galit. Sasabihin nila ang dami-daming pera pero hindi man lang magpautang,” saad ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “For me, wala namang masama kung magpapautang tayo sa ating kapwa. Basta ba’t ang inutangan ay may word of honor sa kaniyang pangako na magbabayad siya. Iyong iba kasi, sila na nga ang may atraso, sila pa ang may ganang magalit kapag sinisingil na.”

“Iba naman kasi ang hiram sa hingi. Kung hindi naman pala makakabayad, eh ‘di sana sabihin na lang na hingi na lang, lalo na kung kamag-anak naman. At least hindi umaasa yung inutangan na mababayaran pa,” turan naman ng isa.

Ikaw, sumasang-ayon ka ba rito? O naranasan mo an rin ito?

Source :

Twitter, Facebook