Totoo ba? Wooden spoon ng mga ice cream cup noon, mas ‘memorable’ daw ang lasa




Larawan mula sa tweet ni Brad Meltzer at Indianmart
  • Trending sa social media ang isang post tungkol sa wooden spoon ng ice cream cups
  • Ayon kasi sa ilang netizens, “memorable” nga raw ang lasa ng wooden spoon na ito
  • Kasabay nito, iminungkahi rin ng ilan na panatilihin sana ang paggamit ng wooden spoon dahil mas environmental ito

Panahon na namang ng tag-init kaya naman patok na naman sa marami sa atin ang mga pagkain at inuming pampalamig sa pakiramdam. At isa sa mga pinakasikat na pampapresko ay ang ice cream o sorbetes.

Iba-iba ang uri ng sorbetes na mabibili sa mga grocery at kalapit na tindahan. Isa sa mga variant na maaaring bilhin ay ang ice cream cups na may convenient kainin lalo na kung nais ma-enjoy ang kinakaing ice cream at hindi aalalahanin na ito’y matutunaw.

Larawan mula sa tweet ni Brad Meltzer

Tunay namang masarap ang mga ice cream cup lalo na’t solo mo itong kinakain. Gayunman, para sa ilang netizens, mas may dating daw sa kanila ang kasamang wooden spoon ng mga ice cream cup.

Sa tweet ng netizen na si Brad Meltzer, isang larawan ang ibinahagi niya na nagsasaad na mas natatandaan raw niya ang lasa ng wooden spoon kaysa sa mismong ice cream.

“In moments like this, I realize I am not alone in the universe,” hayag ni Brad sa kanyang tweet na agad namang umani ng pagsang-ayon mula sa mga kapuwa netizen.

Ayon sa ilang netizens, totoo naman daw na “iconic” na para sa kanila ang lasa ng spoon na kasama ng ice cream cup. Paglalarawan ng ilan, ang lasa nito ay lasang kahoy lang naman daw. Pero ang realidad, kapag daw ubos na ang ice cream, nginangata pa nila ang kahoy para sa dagdag na “experience” at sulit na bayad.

Larawan mula sa Indianmart

Para naman sa ilang netizens, hindi raw nila maipaliwanag ang nararamdaman nila noong bata sila kapag kasamang inaabot ang wooden spoon kapag bumili ka ng ice cream cup. Kasama kasi sa excitement nila ang pagbabalat ng wooden spoon. Kadalasan kasing may pekete itong papel o plastic.

Sabi naman ng ilan, mas gusto nila ang wooden spoon dahil mas makakalikasan ang mga ito. Ngayon daw kasi ay unti-unti nang napapalitan ng plastic spoons ang kasama ng mga ice cream cup.

Ikaw, ano ang alaala mo sa lasa ng wooden spoon na kasama ng ice cream cups?