Summer favorites in one: Natikman mo na ba ang halohalo flavored milk tea?




Larawan mula sa Macao Imperial Tea Philippines
  • Pinagsama na sa isang inumin ang dalawang pampalamig na paborito ng mga Pilipino
  • Inilabas ng isang milk tea shop ang kanilang halohalo flavored na milk tea
  • Marami na rin ang nakatikim sa bagong flavor ng milk tea at satisfied sila sa lasa nito

Kapag sumasapit ang panahon ng tag-init sa Pilipinas, kanya-kanyang diskarte ang mga Pilipino para magpapresko. Pero dahil stay at home muna ang marami, ekis muna ang pagpunta sa mga resort at mall.

Gayunman, ayos pa rin naman ang pagpapalamig ng marami sa kani-kanilang bahay dahil pwedeng-pwede pa rin namang magpa-deliver ng mga paboritong panghimagas at inuming pampalamig. Hindi rin tumitigil ang mga kainan sa pagle-level up ng kanilang mga produkto.

Larawan mula sa Macao Imperial Tea Philippines

Patunay nito ang bagong flavor ng paborito ng marami na milk tea. Trending ngayon sa social media ang pakulo ng sikat na milk tea shop dahil ang milk tea ay nilagyan nilang Pinoy twist sa pamamagitan ng bago nilang flavor na halohalo.

Ayon sa Facebook post ng Macao Imperial Tea Philippines, ang kanilang cheesecake halohalo milk tea. Ang klasikong milk tea na may pearls o sago lang noon, ngayon ay mas pinasarap ng mga sangkap na inilalagay sa tanyag na halohalo.

Ibinahagi ng Macao Imperial Tea ang “anat0my” ng kanilang cheesecake halohalo milk tea. Maliban sa signature milk tea at cheesecake cream ng nasabing milk tea shop, mayroon din itong red beans, pudding, at ang assorted colored jelly na nagsisilbing nata at gulaman ng klasikong haluhalong nakasanayan ng marami sa atin.

Dahil dito, agad na nag-trend ang kanilang post. Maraming mahilig sa milk tea ang agad na um-order upang matikman ang bagong flavor ng nasabing inumin. At tulad ng inaasahan, marami ang natuwa dahil ang dalawang summer favorites, nasa iisang produkto na lang.

Larawan mula sa Macao Imperial Tea Philippines

“Surprisingly good! Must try this summer! Thank you, Macao!” bahagi ng isang netizen na nakabili at nasubukan na ang cheesecake halohalo milk tea. Kanya-kanya ring bahagi ng larawan ng milk tea ang mga nakabiling netizen.

Mabibili ang bagong flavor ng milk tea sa lahat ng branch ng Macao Imperial Tea sa bansa. Sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng ECQ, maaari namang mag-order sa iba’t ibang delivery platforms.