Special risk allowance ng isang nurse, P680 lang; patunay raw na walang pagpapahalaga sa health workers sa bansa




Larawan mula sa Tweet ni Mark Raven Domiguez
  • Trending online ang tweet ng isang nurse tungkol sa nakuha niyang special risk allowance mula sa DOH
  • Nagkakahalaga kasi ng P681.28 ang allowance na ito na inalmahan ng maraming netizens at mga kapuwa nurse
  • Ayon sa ilang netizen, ito raw ay patunay na hindi nabibigyan ng sapat na pagpapahalaga ang mga healthcare workers sa bansa

Sa panahong tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng C0VID-19, ang mga health workers ang isa sa mga pinakaapektado. Dahil mas kakaunti ang bilang nila kaysa sa mga pasyente, kinakailangan nilang mag-duty nang mas matagal at mahaba.

Dahil dito, isa sa mga naging programa ng pamahalaan ay ang magbigay ng ilang insentibo at allowances sa mga healthcare worker na patuloy ang pagtatrabaho sa kabila ng pandemya. Gayunman, viral ngayon sa social media ang tila kakarampot na allowance na nakuha ng isang nurse.

Larawan mula sa Tweet ni Mark Raven Domiguez

Iba’t ibang Facebook pages na ang nagse-share ng screensh0t ng tweet ng netizen at nurse na si Mark Raven Regidor Dominguez dahil sa nakuha niyang P681.82 na special risk allowance mula sa Department of Health (DOH).

Biro ni Mark Raven, “forever grateful” daw siya sa nakuha niyang allowance mula sa ahensiya. Dahil dito, maraming netizens ang nainis sa tila kakarampot na special risk allowance na nakuha ng nurse na itinataya ang buhay sa bawat araw ng duty niya.

Isa sa mga nag-share ng screensh0t ng tweet ni Mark Raven ay ang Facebook page na Tito Nurse. Ipinahayag din niya ang kanyang pagkadismaya sa pagtrato ng pamahalaan sa ating healthcare workers, partikular na sa mga nurse.

Ayon sa post, bago pa man daw magka-pandemic, talaga naman daw hindi na sila nakakukuha nang maayos na benepisyo. Overworked at pag0d na raw sila at walang suporta galing sa pamahalaan. At kapag nagkasakit na sila, hindi sapat ang pera nilang pampa-ospital.

Larawan mula sa PNA

“Even before the pandemic, this has been a problem for a long time. We always work overtime and beyond our ideal ratio. Yung census tumataas pero ang staff ganun pa rin, overworked and pagod dahil walang suporta galing sa taas. When we get sick, we prefer to treat it by ourselves cos our salary cannot afford hospital bills,” hayag sa Tito Nurse post.

Ayon sa isang DOH press release, ang special risk allowance daw ibinibigay sa mga healthcare worker na nagtrabaho sa panahon ng pandemya at ang pondong ito ay batay sa savings ng mga ospital. Dahil daw walang savings ang ibang ospital, naglaan ang DOH ng P51.9 million pondo.

“The Active Hazard Duty Pay (AHDP) and Special Risk Allowances (SRA) under Bayanahinan 1 are based on the savings of hospitals and only covers frontliners who reported for duty during the Enhanced Community Quarantine from March 15 to May 16. Considering that other hospitals do not have savings, DOH sub-alloted P51.9 million which has been released to 17 DOH-retained hospitals who requested for additional funding.”

Source :

Facebook, DOH