Simpleng surpresa ng mga anak sa birthday ng kanilang ama nagpaantig sa damdamin




Imahe mula sa Facebook account ni Melody Silang
  • Kinalugdan ng mga netizens ang mga anak na sinurpresa ang kanilang amang nagdiriwang ng kaarawan
  • Dahil walang pambili ng tunay na lobo, mga plastik na labo ang ginawa nilang palamuti at isinabit nila sa kanilang barong-barong
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Sabi nga, malaking bagay sa isang magulang na makita niya ang kaniyang mga anak, pagkauwi niya mula sa maghapong pagtatrabaho. Masilayan lamang sila, tiyak na mapapawi na ang kanilang mga pagod at agam-agam sa buhay.

Nagpaantig sa kalooban ng mga netizens ang ibinahaging mga larawan ng netizen na si Melody Silang, tubong Batangas City, sa kaniyang Facebook post. Naispatan na siya kasi ang mga anak ng kaniyang kapitbahay na naghahanda ng munting sorpresa para sa kaarawan ng kanilang ama.

Imahe mula sa Facebook account ni Melody Silang

” Nakaka-touch naman ang mga kapitbahay ko sapagkat kahit mahirap lamang ang buhay nagawa nilang mag-effort para sa kaarawan ng kanilang ama, ang plano nila ay i-sorpresa ang ama pagdating sapagkat nasa trabaho pa ito,” saad ni Melody.

“Nakakataba ng puso ang ganitong mga eksena, sa kadahilanang walang perang pambiling lobo ay gumawa sila gamit ang plastic labo at sinulatan ng ‘happy birthday papa,’ at nagawa pa sila ng cake na gawa sa itlog,” dagdag pa niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Masaya ako na makakita nang ganyan, kahit mga bata pa, napakita at naparandam nila ang kahulugan ng tunay na pgmamahal sa knilang Papa. Sana mapansin sila ni Jessica Soho, Willie Revillame, o Raffy Tulfo para mabigyan naman nang maayos na birthday celebration ang Papa nila,” pag-asam ng isa.

Turan naman ng isa, “Nakaka-touch naman! Kung ako ang parents ng mga batang ito, maiiyak talaga ako sa tuwa! This is something sweet needs to be appreciated!”

“Sobrang bait ng mga bata kahit mahirap lamang sila. Ayos lang… Pagpapalain kayo ni Lord!” saad naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Melody Silang

Wika naman ng isa, “Awww. So sweet!! Sana matulungan po natin sila!”

Nakakatuwa sila, hindi ba?