Sand art ng mukha ni Hesukristo ginawa ng ilang artists sa Iloilo




Imahe mula sa Facebook account ni Edwin Guiquin
  • Kahanga-hanga ang likhang-sining ng isang grupo ng mga artists sa Iloilo 
  • Ginawan nila ng sand art ang mukha ni Hesukristo
  • Ito raw ang naisip nilang paraan upang magpasalamat sa Diyos dahil sa talentong ipinagkaloob sa kanila — ang pagguhit

Pinag-usapan ng mga netizens ang ‘sand art’ ng mukha ni Hesukristo na ginawa ng isang art team, sa isang tabing-dagat ng Arevalo, sa lalawigan ng Iloilo. Kaugnay ito ng paggunita sa Semana Santa o pagpapakasakit at pagsasakripisyo ni Hesukristo para sa sangkatauhan.

Makikita ang mga kamangha-manghang larawan sa Facebook post ng isa sa mga miyembro ng Iloilo Beach Art Team na si ‘Edwin Guiquin.’ Makikita sa buhanginan ng Fredman Beach Resort ang maamong mukha ni Hesukristo. Nagtulos pa sila ng krus na kahoy na may nakapulupot na telang kulay-violet upang makadagdag sa effect ng kanilang sand art.

Imahe mula sa Facebook account ni Edwin Guiquin

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“So proud of my fellow Ilonggos with such creativity and artistic talent. Basta Ilonggo guwapo at punumpuno ng talento!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang ganda ng artwork ninyo for our Jesus Christ’s image. Thank you and God bless you all… Amen!”

“Biniyayaan kayo ng mga talentong katang-tangi, na syempre ay nagmula sa Panginoong Diyos na may lalang ng langit at lupa, at lahat ng bagay na mayroon ang mundong ibabaw. Marapat lamang na ibalik sa Kaniya ang kapurihan!” pahayag naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Wow you’re giving back your talent to the Lord. I salute you guys!”

“Keep up the great job guys and Happy Easter to everyone!” ayon naman sa isa.

Ayon sa mga artists na ito, naisipan daw nilang gawan ng art work ang mukha ni Hesukristo dahil nga sa paggunita ng Semana Santa. Ito raw ang naisip nilang paraan upang magpasalamat sa Diyos dahil sa talentong ipinagkaloob sa kanila—ang pagguhit.

Imahe mula sa Facebook account ni Edwin Guiquin

Samantala, panoorin ang naging proseso ng kanilang pagbuo ng sand art sa pamamagitan ng YouTube channel ng isa sa mga artists na si Jerwin Sano: