Ryza Cenon napanood muli sa GMA Network matapos ang tatlong taon; balik-Kapuso na ba?




Larawan mula sa YouTube video ng Eat Bulaga
  • Ginulat ng aktres na si Ryza Cenon ang mga Kapuso nang muli siyang mapanood sa GMA Network matapos ang tatlong taon
  • Maaalalang lumipat ng bakuran si Ryza noong 2018 matapos ang kanyang iconic role sa isang afternoon series
  • Marami tuloy ang nagtatanong kung ito na ba ang hudyat ng comeback ni Ryza sa Kapuso network

Kamakailan ay kabi-kabila ang balitang paglipat ng istasyon ng ilang mga artista mula sa GMA Network at ABS-CBN. Kabilang sa mga maugong na lilipat daw sa GMA ay sina Maja Salvador at Bea Alonzo habang kumpirmado na bilang Kapamilya si Sunshine Dizon.

Ngunit isa sa mga pinag-uusapan ngayon ay ang muling paglabas ng StarStruck Season 2 Ultimate Female Survivor na si Ryza Cenon sa GMA Network; tatlong taon matapos ang paglipat niya sa ABS-CBN.

Larawan mula sa YouTube video ng Eat Bulaga

Nag-guest si Ryza sa longest running noontime show na napapanood sa Kapuso network na Eat Bulaga. Isa siya sa mga naging choices sa segment na Bawal Judgmental bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni Vic Sotto.

Ang naging paksa kasi ng episode na iyon ay ang mga nakatrabaho ni Bossing sa iba’t ibang proyekto sa telebisyon at pelikula. Mapalad naman ang 33 anyos na aktres dahil makailang beses siyang napili ni Bossing para makasama sa kanyang mga blockbuster movies.

Naging major kontrabida si Ryza sa phenomenal star na si Maine Mendoza at kay Bossing sa Metro Manila Film Festival entry na Jack em Popoy: The Puliscredibles noong 2019. Nakasama rin si Ryza sa isa sa mga installment ng Enteng Kabisote.

Bukod sa paglabas muli sa Kapuso network, ito rin ang unang showbiz appearance ni Ryza matapos maging mommy noong Oktubre 2020. Simula noon, hindi na napanood si Ryza sa kahit anong show mula sa kanyang mother network na ABS-CBN.

Larawan mula sa YouTube video ng Eat Bulaga

Maraming usap-usapan tuloy na malaki ang tsansang bumalik si Ryza sa GMA lalo na’t wala siyang opisyal na show sa ABS-CBN. Gayunman, marami rin ang nagsasabi na hindi pa raw umano ready si Ryza sa anumang showbiz commitment sa panahon ngayon at naka-focus daw ito sa kanyang pamilya.

Si Ryza ay mina-manage ng Viva Artist Agency. Nakilala si Ryza sa kanyang breakthrough role bilang Georgia sa top-rating afternoon show na Ika-6 na Utos bago lumipat sa ABS-CBN noong 2018.

Panoorin ang guesting ni Ryza sa Eat Bulaga:

Source :

YouTube, Facebook