Rosanna Roces tutol sa ideya na gawaan ng pelikula ang talambuhay niya, ‘Walang kabutihang mapupulot’




Public Domain Image
  • Hindi payag si Rosanna Roces na gawan ng pelikula ang talambuhay niya
  • Wala raw kasing kabutihang mapupulot dito
  • Mas nanaisin na lamang daw niyang maisaaklat ito

“Wala, hindi ko gustong gawing movie ang buhay ko, hahaha. Walang kabutihang mapupulot.”

Iyan ang tahasan at tapat na sagot ni Rosanna Roces matapos tanungin kung papayag ba siyang magawan ng pelikula ang kaniyang talambuhay. Isa iyan sa mga itinanong sa kaniya sa naganap na virtual mediacon para sa isa sa mga upcoming movie niya na “Kung Puwede Lang” sa direksyon ni Darryl Yap.

Public Domain Image

Kung papipiliin, mas gusto niyang isaaklat na lamang ang kaniyang talambuhay. Hindi nga lamang niya alam kung ano ang magiging pamagat. Noong 2010 kasi, naitampok na ang ilang mga detalye ukol sa kaniya sa TV5; ito ay ang  Untold Stories of Rosanna Roces, ‘Minsan May Babaeng Palaban,‘ para sa programang ‘Face to Face.’

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“I admire her being open… also why divulge the rest of her private life? There are things that should be kept in private,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Noble enough to say so, but remember only few people admit their defeat and you, you are still in the limelight, a good example of genuinity. By not accepting the offer you humbled yourself not to follow your flaws. Continue to fight for what you think is right and the rest of good things will follow. Now, you are becoming to be an inspiration.”

“One of the best actresses of Philippine showbiz. And isa sa mga pinakatotoong tao sa industriya. Walang pretentions. Tama lang iyan, kung palagay mo hindi ka komportable, ayos lang,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Sa Instagram post ni Osang nitong Abril 1, 2021, pinatunayan niya kung gaano siya ‘kagagang nilalang.’

Aniya, noong kaniyang kabataan, kapag may damit o sapatos daw na ipinapasuot sa kaniya ng wardrobe team na hindi niya gusto, talagang itatapon niya o ihahampas sa taong nagpapasuot nito. Kalakip ng post ang screenshot ng kanilang pag-uusap ng dating wardrobe staff at ngayon ay production designer na.

“Proof na isa akong gagang nilalang noong araw. Wardrobe ito ng #LavidaRosa (isa sa mga pelikula niya)  na ngayon ay pinagpipitagang Production Designer na Winston Vacuyong. Kapag ayoko talaga ng pinapasuot nila kung di ko itatapon, ihahampas ko sa nagpapasuot. Susmaryosep kaya ngayon puro yakap ako sa mga nagdadamit sa akin… alam ko kasi dati nasaktan ko sila. Bawi-bawi din kapag may time, Diyos ko, love ko kayong lahat!”

Imahe mula sa Instagram account ni Rosanna Roces

Samantala, may isa pang pelikula si Osang; ito ay ang ‘Revirginized’ kung saan una silang nagkasama sa isang proyekto ni Megastar Sharon Cuneta.

Ayon sa mismong Instagram post ni Mega, masaya siya dahil nakilala at nag-click sila ni Osang sa set, dahil kung noon daw sila nagkakilala, baka hindi sila naging magkaibigan, dahil nga sa mga kontrobersyang kinasangkutan nito.

Megastar Sharon, Osang isiniwalat ang mga natuklasang ugali sa isa’t isa

Samantala, ating silipin ang trailer ng kanyang bagong pelikula: