Pres. Spox Harry Roque hinggil sa patuloy na pandemya: “We are not alone”




Public Domain Image
  • “We are not alone”
  • Iyan ang iginiit ni Harry Roque hinggil sa danas na pagtaas ng kaso ng COVID-19
  • Marami pa raw mga bansa ang hindi pa nakababangon sa hambalos ng pandemya

Sinabi ni Presdiential Spokesperson Harry Roque na hindi tayo ang nag-iisang bansa na dumaranas ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, na naging dahilan upang patuloy na ipatupad ang enhanced community quarantine o ECQ sa National Capital Region at mga karatig-lalawigan na kabilang sa tinatawag na bubble.

“We are not alone in this predicament, everywhere in the world we are experiencing the effects of these new variants but we are coping and one good thing going for us is we have learned, we have experienced, we know how to cure and we are facing this with no hesitation,” mensahe ni Roque sa sambayanang Pilipino.

Public Domain Image

Sa patuloy na pagtaas ng kaso, napapabalitang marami na sa mga pasyente ang hindi na tinatanggap sa mga ospital dahil wala nang espasyo para sa kanila.

“The government is eyeing to build mobile intensive care unit (ICU) facilities to accommodate the rising number of COVID-19 patients as hospitals, especially in Metro Manila, reach their full capacity,” saad pa niya.

Dagdag pa niya, “We had a special meeting. There’s now plans to build mobile tents, ICU facilities of up to 200 beds. So we have even identified even the area owned by a government-owned and controlled corporation for this special ICU facility.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

” I beg to disagree. Not all countries, maybe with some European and South American countries but compared with our ASEAN neighbors, we’re one of the worst performing if not the worst since they have opened up their economies and have practically managed the virus,” wika ng isa.

Sabi naman ng isa, “Sana nga po madagdagan na ang mga kama at pasilidad para naman hindi na sa sahig o sa tent nahihiga ang iba. It is so depressing. Nakakahiya. Naipakita tuloy na hindi ganoon kaayos ang health care natin.”

Public Domain Image

“But other countries are doing so much better than us, far from the ‘excellent’ response you are marketing.,” pahayag naman ng isa.

Sana nga ay hindi tayo tuluyang mag-isa na lamang at mapag-iwanan ng ating mga karatig-bansa.