Prenuptial photoshoot ng couple na guro kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook page ng Gwyn Asuncion Photography - GAP
  • Kinilig ang mga netizens sa kakaibang prenuptial photoshoot ng couple na kapwa guro
  • Classroom set up kasi ang tema nila
  • Ikakasal sila sa Hunyo 26, 2021

Marami sa mga couples o magkasintahan ay nagkakilala sa kanilang mga workplace o trabaho, lalo na kung halos mayorya o higit pa ng iyong oras ay nakalaan para dito. Hindi talaga maiiwasan ang magkaroon ng damdamin para sa isa’t isa, lalo na kung halos-araw-araw nakikita o nakasasalmuha, lalo na noong nasa ‘normal’ na kalakaran pa ang lahat.

Kagaya na lamang ng couple teachers na sina ‘Sir Carlo at Ma’am Jennifer’ na parehong guro sa pampublikong paaralan. Kaya naman sa kanilang prenuptial photoshoot, ang naging tema ay classroom set up.

Ibinahagi ito sa opisyal na Facebook page ng ‘Gwyn Asuncion Photography’ — ang kanilang opisyal na photographer.

Imahe mula sa Facebook page ng Gwyn Asuncion Photography – GAP

Hindi na kailangan ng mga effects dahil chalk at blackboard lamang ang ginamit nila. Syempre, mga pasilidad ng kanilang paaralan ang ginawang shooting place.

Kinakiligan naman ito ng mga netizens at hindi nila naiwasang magkomento sa kilig moments nina Sir at Ma’am.

“Ang galing ng concept. Very resourceful, very creative, very natural, no pretentions in the setting. Congratulations and best wishes!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow Congrats! Very nice, sweet…t hen no more gastos and hassles on outfit and location. Saka malalaman na kaagad kung ano ang mga propesyon nila.”

“Unique idea… basta teachers, brilliant ideas talaga ang make-create. CONGRATS!!!” pagbati naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Reading beyond the line will tell you that the answer really advanced, not just an answer to the not yet finished question but to the final question that shall be asked by the priest. Look at the gesture of the bride. Before they captured it, they thought about the drama many times. Great idea Ma’am and Sir. Congratulations!”

Imahe mula sa Facebook page ng Gwyn Asuncion Photography – GAP

“Turning everything into a comfort zone. The school and the classroom—what a big HOME!” sabi naman ng isa.

Nakatakdang ikasal sina Sir Carlo at Ma’am Jennifer sa Hunyo 26, 2021.

Congratulations and best wishes sa couple teacher!

Source :

Facebook