Photo story sa likod ng isang pares na kandila hinangaan




Imahe mula sa Facebook page ng Santuario De Leviant
  • Kinaaliwan ng mga netizens ang ‘photo story’ na ibinahagi ng isang netizen
  • Ginawan ng kuwento ang dalawang kandila na pareho ring may sindi
  • Sa bandang dulo, ibinahagi rin ng netizen ang aral o mensaheng nakuha niya mula rito

Likas sa tao ang pagiging malikhain. Maaari tayong gumawa ng isang makabagbag-damdaming kuwento sa likod ng mga bagay-bagay sa ating paligid, kahit sa simpleng pagmamasid lamang. Lawakan lamang ang imahinasyon, tiyak na maisisilang ang isang obra maestra.

Kaya naman pinag-usapan ng mga netizens ang ibinahaging ‘photo story’ sa Facebook page na ‘Santuario De Leviant,’ kung saan ginawan ng kuwento ang dalawang kandilang may sindi, na pinamagatang ‘The Two Candles.’

Imahe mula sa Facebook page ng Santuario De Leviant

“So I saw this on TikTok. There’s a two candle. I would like to create a story using this picture I’ve screenshotted while I’m scrolling down on TikTok,” saad ng nagbahagi na nagngangalang Gideon. Disclaimer niya, nakita lamang niya ito sa naturang video-sharing social network platform.

At ibinahagi na nga niya ang kuwento sa likod ng bawat larawan.

“There’s a lover. Mahal na mahal nila ang isa’t isa. Lagi silang mag kasama. They never leave each other alone. They trust, they care and love each other so much.”

“Until one day someone made a mistake. A mistake na unti-unting nag paubos sa pisi na nag-uugnay sa kanilang dalawa.”

“Lumaki ng lumaki ang apoy na siyang sumisira sa pundasyon nilang dalawa. Pero dahi mahal na mahal niya yung nagkasala sa kanya imbis na magalit at bumitaw siya hindi siya ginawa. Mas lalo niyang hinigpitan yung kapit niya kahit patuloy sa pag gawa ng kasalanan yung taong mahal niya.”

“Until one day, tuluyan ng naputol ang pisi na siyang nag-uugnay sa kanilang dalawa. At yung yung apoy na unti-unting sumira sa kanila ay naapektuhan na yung sobrang magmahal na kandila.”

Imahe mula sa Facebook page ng Santuario De Leviant

“Hanggang sa unti-unti siya nitong nilamon. Unti-unti siyang naubos dahil sa sobrang pagmamahal na ibinigay niya sa taong ilang ulit na siyang sinaktan.”

“Lumaki nang lumaki ang naging damage nito sa kanya. Samantalang ang isang kandila ay unti-unting naging maayos.”

“Naubos na ang isang kandila. Natupok. Pero ang isang kandila ay nakatayo pa rin.”

Nagbigay rin siya ng napulot na mensahe o aral mula sa kuwento ng dalawang kandila.

“Bago tayo gumawa ng kasalanan, isipin mo yung mga taong maaapektuhan nito. Once is enough, twice is too much and thrice can hurt you to the point that it can kill you. Higit sa lahat ang mga bagay na SOBRA ay MASAMA. When you love someone, don’t give yourself whole. Magtira ka para sa sarili mo kasi at the end of the day, sarili mo lang ang maiiwan sa iyo.”

Anong masasabi mo sa kuwentong ito? Nakakabilib, hindi ba? Kaya mo bang gumawa ng kuwento sa likod ng magkakasamang bagay o kasangkapan sa loob ng larawan?

Source :

Facebook