Payo ng mister sa mga kapwa mister: “Tulungan natin si misis na ma-maintain ang kanyang kagandahan”




Larawan mula sa Facebook post ni George Roble Imperial III at Pexels
  • Sa pamamagitan ng isang post, nagbigay ng payo ang isang lalaki sa mga kapwa niya mister
  • Ayon sa netizen, paglaanan din daw ng budget ang pampaganda ni misis dahil hindi biro ang trabaho nito sa bahay at opisina
  • Kung wala naman daw budget, huwag na lang bigyan si misis ng dahilan para mas maaburido at maging pr0blemado

Karaniwang napagtatanto ng mga magulang na ang kanilang panahon, lakas, at budget ay madalas na nauubos sa pangangailangan ng mga anak. Dahil sa limitadong kita, pinipili ng mga magulang na unahin na muna ang mas importanteng bagay kaysa sa sarili.

Para sa ilan na may budget naman, oras naman ang kanilang kalaban. Marahil ay nauubos na ang oras nila sa trabaho upang kumita nang disente kaya naman nalilimutan na ang sarili.

Larawan mula sa Facebook post ni George Roble Imperial III

Kaya naman isang lalaki ang nagpayo sa mga kapwa niya mister upang mapasaya at mapanatiling maayos ang kani-kanilang misis. Ibinahagi ng netizen na si George Roble Imperial III sa kaniyang Facebook post ang isang makabuluhang suhestiyon para sa mga kagaya niyang mayroong misis.

Saad ni George, hangga’t maaari daw ay tulungan ng mga mister ang kanilang misis na ma-maintain ang kanilang kagandahan sa pamamagitan ng pagbili ng mga beauty, hygiene, at wellness products para sa kanila.

“Suggestion lang mga kapwa husbands: As much as possible, tulungan natin si misis na ma-maintain ang kanyang kagandahan. Kung kaya natin, maglaan tayo ng budget para sa kanila,” bungad ni George sa kanyang post.

Dagdag pa nito, kung kaya raw nating magkaroon ng budget para sa mga sasakyan at luho, dapat daw ay mas may budget tayo para sa mga babaeng pinakamamahal.

“Kung kaya mong i-maintain ang motor/kotse mo, di hamak na mas kaya mong i-maintain ang ganda ng babaeng pinkamamahal mo. Hindi yung titipirin mo tapos pag pumangit at nalosyang na, dun ka sa iba magpapa-change oil.”

Kung talaga naman daw gipit sa budget, kahit daw hindi na bilhan ng mga produktong pampaganda at pampa-relax. Huwag na lang daw bigyan ng dahilan ang mga super misis na ma-stress pa dahil hindi biro ang pag-aalaga sa mga anak at pagharap sa mga gawaing bahay.

Larawan mula sa Pexels

“Kung hindi mo naman kayang gastusan, at least huwag mo na lang bigyan ng stress, tulungan mo sa bahay at sa pag-aalaga ng mga anak n’yo.”

Bandang huli, ipinaalala rin ni George sa kanyang mga kapwa mister na ang mga misis ay piniling katuwang habambuhay kaya huwag puro sarili lang ang iniisip. Mababaw lang naman daw ang kaligayahan ng mga misis kaya kayang-kayang ibigay ito ng mga mister para “happy wife, happy life!”

Aprub!