Pasahero sa jeep na naiwanan ang wallet: “Kuya may GCash po kayo?”




Larawan mula sa TikTok video ni Mo Ni Ca
  • Kinaaliwan online ang TikTok video ng isang netizen na naiwan ang kanyang wallet
  • Kaysa hindi magbayad, lakas loob na tinanong ng babae ang driver kung may GCash ba ito
  • Iba-iba ang naging reaksiyon at opinyon ng mga netizens tungkol sa eksenang ito sa jeep

Sa pagyabong teknolohiya, isa sa mga nausong method of payment sa iba’t ibang transaksiyon ay ang online and cashless payments. Sa pamamagitan ng banking at financial applications sa cellphone at iba pang devices, maaari nang bumili, magbayad, at magpasa ng pera nang walang hinahawakang cash.

Sa panahon nga ng pandemya, isinusulong ng ilang grupo ang paggamit ng money transfer applications para hindi na mag-abutan ng pera na isa sa maaaring pagmulan ng hawaan na ginagawa naman na ng maraming etsblisimyento.

Larawan mula sa TikTok video ni Mo Ni Ca

Gayunman, napatawa pa rin ang marami sa isang pangyayari sa loob ng jeep kung saan nais magbayad ng isang pasahero gamit ang kilalang money application. Sa isang TikTok video na in-upload ng user na si Mo Ni Ca, makikita ang isang eksena sa jeep na kinakausap niya ang drayber ng jeep na kung pupuwede ay sa GCash na lamang siya magbayad.

Lahad ng babae sa video, naiwan daw niya kasi ang kanyang wallet at kaysa hindi mabayaran ang tsuper, magbabayad na lamang daw siya via GCash.

“Kuya, may GCash po ba kayo? Naiwan kop o ‘yung wallet ko,” sabi ni Mo Ni Ca sa kanyang viral TikTok video na mayroon nang 18,400 likes sa kasalukuyan.

Tanong niya sa kanyang post, kung nakaranas na rin ba ang mga kapuwa netizen ng parehong eksena kung saan nakasakay ka na ng jeep nang maalala mong wala ka palang dalang wallet. Hindi naman nalinaw sa post kung pumayag ang driver na i-transfer na lang sa GCash ang bayad.

Larawan mula sa GCash

Iba-iba naman ang opinyon ng mga netizen. May ilang nagsabi na kung sila ang kasabay ng babae sa video, ay sila na lang ang magbabayad ng pamasahe nito. Ang ilan naman ay curious kung ano ang mga sumunod na nangyari.

Dahil din sa video, nabuksan ang ideya na gawin na talagang mode of payment sa lahat ng jeep ang mga cashless payment app tulad ng GCash para wala na raw abutan ng bayad at sukli lalo na ngayong mahala ang social distancing.

Panoorin ang video ni Mo Ni Ca:

@northlifernakaranas naba kayo ng ganito?

♬ Oh No – Kreepa

Source :

TikTok, TikTok Ph