Pangulong Duterte ‘makabagong Lapu-Lapu’, ayon kay Spox Harry Roque




Imahe mula sa Facebook post ni Harry Roque/Public Domain Image
  • Para kay Harry Roque, si Pangulong Rodrigo Duterte ang makabagong Lapu-Lapu
  • Dumalo siya sa pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng Victory of Mactan
  • Si Lapu-Lapu ang itinuturing na kauna-unahang bayani ng Pilipinas

“President Rodrogo Roa Duterte is my modern day Lapu-Lapu.”

Inihalintulad ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Pangulong Rodrigo Duterte sa unang bayani ng Pilipinas na si Lapu-Lapu, nang tanungin siya sa kung sino sa palagay niya ang makabago o modernong Lapu-Lapu sa kasalukuyan.

Public Domain Image

“President Rodrigo Roa Duterte is my modern-day Lapu-Lapu, lalong-lalo na po sa kaniyang polisya na independent foreign policy,” ani Roque sa isang press briefing na ginanap nitong Abril 27 sa Lapu-Lapu, Cebu sa ika-500 anibersaryo ng pagkakalupig ni Lapu-Lapu sa pangkat nina Ferdinand Magellan, nang dumaong ang mga ito sa pulo ng Mactan.

“Ibig sabihin po niyan, kaibigan natin ang lahat, wala po tayong kaaway, wala po siyang  sinasantong mga dayuhan,” dagdag pa niya.

Bukod dito, sa kaniyang Facebook post ay ipinahayag ni Roque na binibigyang-pugay rin ng Palasyo ang mga medical frontliners na nagsisilbing bayani ng kasalukuyang panahon ng pandemya.

“Tunay na makasaysayan po ang araw na ito na ika-500, quincentennial anniversary ng the Victory of Mactan. Sana po sa mga darating na araw, magkaroon po ng victory of the Philippines laban po sa COVID-19 at we take advantage of this quincentennial celebration also to pay tribute to the real heroes of our times, our medical frontliners,” aniya.

Imahe mula sa Facebook post ni Harry Roque/Public Domain Image

“Nagbigay-pugay ang ating Pangulo ng kanyang nilagdaan ang Executive Order Order No. 17 noong April 7, 2017, o apat na taon na ang nakalipas, na nag-create ng Order of Lapu-Lapu, na kumikilala sa mga opisyal at mga tauhan ng pamahalaan, maging pribadong indibidwal, sa kanilang natatanging serbisyo or extraordinary service kaugnay ng kampanya o adbokasiya ng Pangulo.”

Bukod sa Order of Lapu-Lapu, nag-issue rin ang pangulo ng Presidential Proclamation (Proclamation No. 1128) na nagdedeklara sa araw na Abril 27, 2021, bilang isang ‘special working day’ na maggugunita sa kabayanihan at patriyotismo ni Lapu-Lapu.