Pangulong Duterte hinggil sa mga naglulunsad ng community pantry: Dapat nakaiskedyul




Public Domain Image
  • Sinabi ni Pangulong Duterte na dapat daw ay naka-iskedyul ang mga nagtatayo ng community pantry
  • Tinawag niyang ‘walang isip’ ang mga basta-basta na lamang nag-oorganisa nito na wala namang maayos at organisadong pamamahala upang matiyak ang social distancing
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. 

Sinabi ni Pangulong Duterte na dapat ay may sinusunod na scheduling ang mga naglulunsad o nagtatayo ng iba’t ibang mga community pantries sa iba’t ibang lugar sa bansa, matapos ang kaniyang ‘talk to the people.’

“Iyong ano ‘yong sa barangay there is the purok and sitio. You can always schedule it for the purok so iilan lang ‘yang maglinya, then after that the sitio will be the next venue and the third is so forth and so on,” aniya.

Public Domain Image

“Walang isip iyang mga (mura) na iyan eh. They just want to show to the people that they care, but they do not really care because of their ignorance,” dagdag pa niya.

Dapat daw, nagsisimula mismo sa mga barangay ang mga community pantries, at hindi sa mga indibidwal na mamamayan. Matatandaang matapos ang pagsulputan ng mga community pantries, may ilan sa mga organizers nito ang nakaranas ng ‘red-tagging’ at iniuugnay na sa mga maka-komunistang pangkat.

Ang pinagmulan ng community pantry ay ang Maginhawa Community Pantry sa Quezon City na inilunsad ni Ana Patricia Non.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wala na talaga akong masabi. Kayo na po ang humusga. Kayo na pong bahalang mag-isip kung talaga bang walang isip ang mga nagsasagawa ng community pantries,” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Yung iba naman kasi, talagang may hidden agenda. Gustong ipamukha sa pamahalaan na wala silang ginagawa, o kagagawan nila kung bakit nagugutom ang mga tao.”

“Malaki po ang naitutulong ng community pantry sa mga pamayanan, lalo na at tumatagal ang pandemya, marami ang nawawalan ng hanapbuhay. Hindi po iyan ang inaasahan kong sasabihin ninyo, pero nagkamali ako, dahil imbes na purihin ay binatikos pa?” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Sabi naman ng isa, “Alam ninyo kasi, virus-spreader pa iyang community pantry na iyan. Paano na ang social distancing kung dadagsa ang mga tao para kumuha ng goods? Paano kung doon pa sila makakuha ng virus? Siguro maganda ang gawaing iyan after pandemic.”

Ikaw, ano ang opinyon mo hinggil sa sinabi ng Pangulo?