“No DNA test required”: Larawan ng aso at mga tutang nakatihaya nagdulot ng good vibes




Imahe mula sa Facebook page na DOG LOVERS
  • Kinaaliwan ang isang kumakalat na litrato sa social media
  • Makikita rito ang isang aso at mga tuta na pare-parehong nakatihaya
  • “No DNA test required” daw dahil matitiyak na mag-iina ang mga ito

Narinig mo na ba ang idyomatikong pahayag na “pinagbiyak na bunga?”

Ito ay pumapatungkol sa magkamag-anak, magkaibigan, o kahit hindi magkakakilala, na mistulang magkakamukha sa isang tinginan lamang. Madalas itong naikakapit sa mga magkakapatid o sa anak at mga magulang.

Kaya naman, kinagiliwan ng mga netizens ang isang litrato na ibinahagi ng netizen na nagngangalang ‘Basu Patil’ sa Facebook page na ‘DOG LOVERS.’

Makikita sa litrato ang isang nakatihayang aso, kasama ang kaniyang cute pups o mga tuta, na pawang nakatihaya rin.

Imahe mula sa Facebook page na DOG LOVERS

“No DNA test required,” pabirong caption ng litrato, na nangangahulugang hindi na kailangan pang isailalim sa DNA test ang aso at mga tuta, kung talaga bang mag-iina sila, dahil kitang-kita na kaagad ang katibayan o ebidensya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hala ang cute naman nila! Ganyan din ang mga doggies and puppies namin. Sumusunod sila sa kung ano ang ginagawa ng momshie doggie nila!” pagbabahagi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes, I agree! Kitang-kita pa lang sa pagtihaya nila, kakatuwa naman itong mga fur babies na ito, hahaha, nakakawala ng stress!”

“Very cute naman nila! Ganyan din ang dogs and pups namin!” turan naman ng isa.

Ang DNA test o Genetic testing ay pumapatungkol sa makaagham na proseso ng pagsusuri sa DNA sequences o chromosome structures.

Sa medical setting  ito ay ginagamit na paraan para sa pag-diagnose ng suspected genetic disorders, mahinuha ang iba’t ibang risks ng specific conditions, o makakuha ng mga impormasyon o detalye kung paano makabubuo ng  customize medical treatments batay sa genetic makeup ng isang tao.

Public Domain Image

Ang Genetic testing din ang ginagamit upang matukoy ang ‘biological relationship’ ng mga tao, kagaya ng child’s parentage (para sa kanilang genetic mother and father) na kagaya ng ginagawa sa mga teleseryeng nagkakapalitan o nahihiwalay ang anak sa kanilang mga tunay na magulang.