Netizen nanawagan ng tulong para sa gurong nagtitinda ng school supplies matapos mawalan ng trabaho




Imahe mula sa Facebook account ni Ayver Palma
  • Nanawagan ng tulong ang isang concerned netizen para sa naispatang matandang babaeng nagtitinda ng mga school supplies at snacks sa tapat ng isang supermarket sa Novaliches Bayan, Quezon City
  • Ito pala ay dating guro sa pribadong paaralan na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara nito
  • Naitampok na siya ng isa ring concerned netizen sa kasagsagan ng unang ECQ noong 2020

“Kuhaan mo ko picture, ilagay mo ako sa Facebook para marami bumili sa akin.”

Iyan daw ang eksaktong sinabi ng isang matandang babae sa concerned netizen na si Ayver Palma, na isa palang guro sa pribadong paaralan, na nagsara dahil na rin sa epekto ng pandemya. Pinili na lamang ng gurong ito na magtinda ng mga school supplies at iba’t ibang mga kutkutin upang maitawid ang mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Imahe mula sa Facebook account ni Ayver Palma

“If ever dadaan kayo sa Savemore Glori (Novaliches Bayan), please bili kayo kay Nanay kahit isa lang, sobrang malaking bagay na ‘yun sa kanya, araw-araw daw po siya sa tapat ng Savemore! Isa po siyang teacher before kaso nawalan ng work dahil nagsara yung school. Sa Caloocan pa po sya nakatira,” saad ni Palma sa kaniyang Facebook post.

Dagdag pa niya, “Bumibyahe pa papuntang Savemore Glori para doon maglako ng tinitinda nya. PLEASE BILI KAYO!”

Kuwento sa kaniya ng guro na nakilalang si Ma’am Eloisa Gicar, 65 taong gulang, nawalan daw kasi ito ng trabaho matapos magsara ang pribadong paaralang pinagtuturuan nito. Nasaling naman ang damdamin ng netizen at naalala ang mga dati niyang guro noong siya ay nag-aaral pa.

Nauna nang maitampok noon ang guro sa kasagsagan ng unang enhanced community quarantine o ECQ noong 2020. Naispatan naman siyang nagtitinda ng mga tinapay sa isang gasolinahan sa Quezon City habang may hawak na karatulang “Please buy po.”

Imahe mula sa Facebook account ni Ayver Palma

Isa sa mga tuluyang naapektuhan ng pandemya ang ilang mga maliliit na pribadong paaralan na maaaring nawalan ng enrollees dahil pinili na lamang na lumipat sa ibang mga paaralan o institusyong mas handa para sa online classes.

Guro sa pribadong paaralan, nagtitinda ng tinapay sa gasolinahan

Samantala, nagbigay naman ng update ang concerned citizen.

“Nakausap ko na po ‘yung isang anak ni Ma’am Eloisa. Sa mga gusto po mag-send sa kanya ng kaunting halaga, nasa Facebook post ko po ang G-Cash number ng anak niya.”

Samantala, panoorin ang panayam kay Ma’am Eloisa ng grupong ‘prestige’ via YouTube channel: