Netizen may open letter sa mayor ng Quezon City, social distancing tila hindi nasusunod sa City Hall




Public Domain Image
  • May open letter ang isang residente ng Quezon City sa kanilang mayora
  • Kaugnay ito sa naobserbahan niyang ‘paglabag’ sa social distancing na nasaksihan niya mismo sa city hall
  • Doon kasi personal na nagbabayad ang mga nahuhuling lumalabag sa curfew

Sumulat ng isang open letter ang isang residente ng Quezon City para kay Mayor Joy Belmonte hinggil sa nasaksihan niyang sitwasyon sa karapan ng Quezon City Hall noong Lunes, Abril 5, 2021, na punumpuno ng mga taong magbabayad ng multa dahil sa paglabag sa quarantine curfew, kaugnay ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine o ECQ sa buong National Capital Region o NCR at sa mga karatig-lalawigan na nasa ilalim ng bubble area.

Sa kaniyang open letter sa Facebook, sinabi ng concerned netizen na si Michael Rockwell na halos hindi na nasusunod ang social distancing dahil sa dami ng mga tao, at tila hindi na rin ito minomonitor ng mga empleyado ng city hall.

Public Domain Image

“I went to City Hall today to pay for a citation I was given last Thursday for being out after curfew. The violation, as written on my ticket, is for the ‘violation of public safety hours.’ Why was I out after curfew? I didn’t know that the start of curfew changed from 10:00 PM to 6:00 PM,” panimulang talata sa kaniyang open letter.

“Regardless, ignorance is not an excuse and I was wrong. I took my ticket with every intention of paying the fine as quickly as possible. So here I am on Monday morning and I am welcomed by such a horrifying scene. The area set aside for people to wait is so overcrowded. People aren’t properly wearing their masks. And worst of all, the officers in the area were just as lax about practicing social distancing and safe behaviors.”

“Having to pay a fine should be punishment enough. I definitely will be more mindful of being home before curfew. But not giving people the option of paying for their violations online or in a cashless way and having to expose themselves to such an unsafe environment is just too much,” puna ng netizen.

“Like I said, I was wrong. I was in the car by myself headed home. I wasn’t exposing anyone to anything. I was pulled over and all this happened. If I had the option to pay online I would’ve paid it as soon as I was issued the ticket. Instead of simply having to pay a fine and dealing with the hassle of waiting in line, I had to expose myself, and extension, my family and loved ones to potential infection.”

Public Domain Image

Kaya naman, may ‘unsolicited advice’ si Rockwell kay Mayor Belmonte. Isa nga namang ironya na mahigpit ang pamunuan ng Quezon City sa pagmumulta sa mga lumalabag sa curfew; subalit tila napakaluwag naman sa pagmomonitor ng social distancing sa mismong city hall pa nito.

“If you want to dramatically cut down on infections in our city, I humbly suggest you look at City Hall first. The punishment for breaking curfew is potentially more harmful than the violation itself.”

Samantala, wala pa namang tugon ang Quezon City Hall o ang partido ng mayor hinggil sa open letter na ito.

Source :

Facebook