NCCA: Ang lugaw ay hindi lang basta pagkain, sagisag-kultura din




Public Domain Image
  • Hindi lamang basta pagkain kundi sagisag ng kultura ang lugaw
  • Iyan ay paglilinaw ng NCCA sa publiko matapos maging maging trending ang #LugawIsEssential
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Ipinaliwanag ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA na ang lugaw ay hindi lamang basta karaniwang pagkain, kundi ito ay sumasagisag din sa ating kultura o kalinangan bilang mga Pilipino. Nataon pang nangyari ang ‘diskriminasyon’ sa lugaw bilang non-essential sa pagpasok ng buwan ng Abril , na maituturing na ‘Buwan ng Kalutong Filipino o Filipino Food Month.’

“Ang lugaw ay hindi lang basta pagkain, sagisag-kultura rin!” saad sa kanilang opisyal na Facebook page, sa kasagsagan ng pag-trending ng hashtag na ‘#LugawIsEssential’ at ‘#LugawIsLife’ matapos ang insidente ng paninita sa pagitan ng isang babaeng barangay personnel at delivery rider na maghahatid sana ng lugar sa kaniyang customer, sa Barangay Muzon sa City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Public Domain Image

“Ang lugaw para sa bata at maysakit ay bigas na sinaing at maraming tubig. Kaya sinasabing ang lugaw ay iniluto sa pagmamahal. Sapat ang umuusok sa init na isang mangkok na lugaw para umampat ng gutom at para pawisan at gisawan ng lagnat ang maysakit,” paliwanag nila.

Dagdag pa, “Ngunit ang lugaw na ginagamit na sabaw o kaldo (mula Espanyol na caldo) sa ibang putahe ay may ginisang bawang, sibuyas, at luya. Nilalagyan ito ng pinatuyong bulaklak ng kasubha para magkulay dilaw ang sinaing na bigas at binubudburan sa ibabaw ng mga tinadtad na murang dahon ng sibuyas-tagalog (leek).”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens, na aminadong certified lugaw lover, at mula kabataan hanggang sa pagtanda nila, ay pinapakain ng lugaw ng kani-kanilang mga magulang.

“Turuan nga ang mga hangal at walang pagpapahalga sa kultura at kasaysayan ng pagkaing Filipino. Malinaw pa sa sikat ng araw na ang ‘lugaw’ ay sagisag ng kultura at pagkain nating mga Pilipino. Kaya importante o essential ito,” wika ng isa.

Public Domain Image

Mungkahi naman ng isa, “Sana po magkaroon na ng National Artist category para sa Culinary Arts at National Living Treasures for Filipino Food.”

“Salamat sa kamangmangan at pagkakamali ng isang opisyal, naging interesado tayo sa lugaw,” wika naman ng isa.

Kuwento naman ng isa, ” Mahalaga ang lugaw sa atin dahil kapag walang makain, hindi ba’t naglulugaw na lamang ang ating mga magulang para maparami ang bigas? O kaya naman, kapag walang pambili ng gatas, mainam na alternatibo ang am.”

Nilinaw mismo ng palasyo, sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na ang lugaw at iba pang mga pagkain  o food items ay maituturing na essential.

“Lugaw, or any food item for that matter, is considered an essential good. Delivery of food items must remain unhampered 24/7. Huwag natin harangin sa checkpoints.”

Public Domain Image

Ikaw, ano ang ‘kuwentong lugaw’ mo na essential na maibahagi sa iba?

Samantala, panoorin ang video mula sa ‘Sagisag-Kultura’: