Mga Pilipinong bilyonaryo ngayong 2021 kabilang sa listahan ng Forbes Magazine




Public Domain Image
  • Si Manny Villar ang pinakamayamang Pilipino ngayong 2021
  • Kabilang siya sa listahan ng global billionnaires ng Forbes Magazine
  • 16 na Pilipino pa ang kasama sa naturang listahan

Labimpitong mga Pilipinong negosyante at personalidad ang napabilang sa global billionaire’s list ng Forbes Magazine. Inihayag nila na record-breaking ang kanilang listahan nakapagtala sila ng 2,755 billionaires sa buong daigdig, kabilang ang 493 newcomers.

“This was seen as unprecedented by any measure, especially in a period when the COVID-19 pandemic has continued to wreak havoc on the global economy. Altogether, these billionaires are worth $13.1 trillion, up from $8 trillion on the 2020 list,” saad ng Forbes Magazine.

Public Domain Image

Sa Pilipinas, pinakamayaman ang dating senador na si Manny Villar na may net worth na $7.2 billion. Kilala si Villar sa kaniyang negosyong real estate at retail, katuwang ang kaniyang misis na si Senador Cynthia Villar. Si Manny Vilar ang 352nd richest person sa buong mundo.

Pangalawa naman si Enrique Razón Jr., na may net worth na $5 billion na kilala sa kaniyang negosyong pantalan o ports. Pangatlo si Lucio Tan na may $3.3 billion, at kilala sa larangan ng paggawa ng tobacco, spirits, banking, property, at airlines. Pang-apat naman ang mga anak ng yumaong si Henry Sy, Sr. na sina Hans Sy at Herbert Sy, na may kabuoang $3 billion, gayundin si Andrew Tan na nalilinya naman sa food and beverage, gaming, at real estate.

Nagpantay naman sa panlimang puwesto ang mga anak pa rin ni Henry Sy, Sr. na sina Teresita Sy-Coson,  Harley at Henry Sy, Jr. na may $2.7 billion.

Ang iba pang nasa listahan ay sina Elizabeth Sy ($2.4 billion), Tony Tan Caktiong ($2.4 billion), Ramon Ang, ($2.2 billion) Inigo Zobel ($1.4 billion), Lance Gokongwei ($1.2 billion), Roberto Ongpin, ($1.2 billion), at
Ricardo Po Sr., $1.1 billion, at Edgar Sia II ($1.1 billion).

Public Domain Image

Nasa top 1 naman sa buong daigding si outgoing Amazon CEO Jeff Bezos, na may estimated net worth na $177 billion, na sinusundan naman ni Tesla at SpaceX founder Elon Musk na may estimated wealth naf $151 billion, mula sa dating 31st spot noong 2020.