Mga lumang tangke pinintahan ng makabayang murals para sa Araw ng Kagitingan




Imahe mula sa Philippine Star/Public Domain Image
  • Tampok sa isang mural sa lumang tangke ng tubig ang kababaihang nanahi sa unang watawat ng Pilipinas
  • Para ito sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan o Day of Valor sa Abril 9, 2021
  • Ang tema ng pagdiriwang ay nakaangkla sa pagpupugay sa mga bayani ng kasalukuyan o frontliners na sumusugpo sa pandemya

Agaw-pansin ang mga lumang tangke ng tubig na napipintahan ng murals, tampok  ang kababaihang sina Doña Marcela Agoncillo at Delfina Herbosa de Natividad na inilagay roon isang araw bago ang paggunita sa Araw ng Kagitingan o Day of Valor nitong Abril 9, 2021.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, sila ang mga mananahi ng unang watawat ng Pilipinas, na isa sa mga mahahalagang simbolo ng bansa.

Public Domain Image

Bagama’t ang Day of Valor ay paggunita sa mga Pilipinong beterano sa pagbagsak ng Bataan noong panahon ng Hapon, makahulugan ang tema ngayon ng pagdiriwang dahil hindi lamang mga bayani noon ang bibigyang-pugay at pagkilala, kundi maging ang mga makabagong bayani na humaharap sa hamon ng pagsugpo ng COVID-19 sa bansa.

“With this year’s theme, “Kagitingan ay Gawing Gabay, Pandemya ay Mapagtatagumpayan,” the celebration also serves as a reminder that through sheer courage and determination, much like how our Filipino veterans defended our country in the war, we can overcome our ongoing battle against COVID-19,” ayon sa opisyal na pahayag ng Philippine Information Agency o PIA.

Sa araw mismo ng Araw ng Kagitingan, sa ganap na 8:00 ng umaga, magkakaroon ng isang virtual gatheringsa pamamagitan ng Facebook Live, na magaganap sa Dambana ng Kagitingan o Shrine of Valor sa Bataan. Ang tradisyong ito ay pagpupugay sa kabayanihan at pagsasakripisyo ng mga Pilipino at Amerikanong beterano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig o WWII.

Imahe mula sa opisyal na Facebook page ng Philippine Veterans Affairs Office

“Another wreath-laying ceremony will be held during the Paggunita sa Capas on April 10 at 9:00 am in remembrance of our freedom-fighters who experienced the horrendous Death March and became Prisoners-of-War (POW).”

“To officially close the week-long observance of the 2021 Philippine Veterans Week, the Sunset Ceremony will be held on April 11 at 5:00 PM,” dagdag pa ng PIA.

Ang Araw ng Kagitingan ay isa sa mga regular holiday sa Pilipinas tuwing buwan ng Abril.