Lolo barbero na pipi at bingi hatid ay good grooming sa Iloilo City




Imahe mula sa Facebook page na Barbershop Community Ph / Public Domain Image
  • Humanga ang mga netizens sa isang lolo barbero
  • Bukod sa edad nito, isa itong pipi at bingi, subalit nagtatrabaho pa rin ito
  • Bagama’t delikado, nag-iikot-ikot ito sa mga lansangan sa pamamagitan ng bisikleta, upang humanap ng mga customers

Pinatunayan ng isang lolong barbero mula sa Iloilo City na hindi hadlang ang kapansanan upang patuloy na magsumikap at mamuhay sa mundong ito sa pamamagitan ng marangal na pagtatrabaho.

Makikita sa Facebook page na ‘Barbershop Community Ph ‘ ang larawan ng naturang lolo barbero, na sa kabila ng kaniyang edad, pagiging pipi at bingi, ay nagagawa pang sumakay ng bisikleta at mag-ikot-ikot sa mga lansangan, para lamang humanap ng customers na magpapagupit, at magpapamasahe sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook page na Barbershop Community Ph

“Lolo is not your typical lolo. He is deaf and mute but his hard work is admirable. He bikes around the city to offer massage for 100 pesos, and haircut for 50 pesos,” saad sa caption ng Facebook page. Mababakas sa kaniyang mukha ang pagngiti at kasiyahan, kahit may suot siyang face mask.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Saludo ako kay Manong Barbero! Samantalang yung ibang malalakas at may kakayahan naman, may pandinig at nakapagsasalita, wala, nganga! Mabuti sana kung naapektuhan ng pandemya, tipong nawalan ng trabaho. Eh hindi eh. Bago pa magkapandemya, batugan na!” pagbabahagi ng isa.

Wika naman ng isa, “Nakakatuwa lamang na makakita tayo ng mga ganitong unique na trabaho, dahil sa mahusay na diskarte ng isang lolo barbero. Sinong nagsabi sa inyo na puwede lang maggupit kapag nasa loob ng barbaer shop? Sino ang nagsabi sa inyong walang karapatan ang bingi at pipi na makapamuhay nang parang normal pa rin?”

Public Domain Image

“Hello po, Manong! Sana nakuha ang details niya para matulungan natin siya. Ang galing naman ni Lolo. Kung nariyan lang ako sa Iloilo, sa kaniya na ako magpapagupit. God bless po, medyo risky po ang ginagawa ninyo,” pahayag naman ng isa.

Sayang nga lamang at hindi nakuha ang pagkakakilanlan ng naturang madiskarteng lolo barbero. Mag-iingat po kayo palagi! Sana po ay maraming magpagupit at magpamasahe sa inyo!

Source :

Facebook