Lalaking mahigpit na sumusunod sa “nakaaaliw” na health protocol kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook page na Tom Sawyer Memes
  • Kinaaliwan ang larawan ng isang lalaking mahigpit na sumusunod sa health protocols sa loob ng isang establisiimyento
  • Makikita kasing tila may mali sa upuan at mga mesang may malaking ekis na pula o marker; ibig sabihin, bawal itong upuan o gamitin
  • Si Kuya na lamang ang nag-adjust

Sa unti-unting pagluwag ng community quarantine noong bago magsimula ang ‘ECQ season 2,’ pinayagan na ang pagpapapasok sa mga establisyimiento, lalo na ang pagdine-in sa ilang mga restaurant at fast food chains, basta’t titiyakin lamang ang pagsunod sa mga health protocols, gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, pagsagot sa contact tracing form, at pagtalima sa social distancing.

Upang matiyak na masusunod ito, naglagay ng markers o mga palatandaan ang pamunuan ng mga fast food chains at restaurants sa mga designated seats at mesang kakainan ng mga customers nila, dagdag pa ang ilang mga dividers. Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang isang larawan ng lalaking mahigpit na sinusunod ang social distancing protocols sa loob ng isang establisyimiento, bagama’t nakaaaliw ito. Makikita ito sa isang Facebook page.

Imahe mula sa Facebook page na Tom Sawyer Memes

Mapapansin kasi na tila may mali sa paglalagay ng markers sa designated seats. Kaya naman, kahit na hirap na hirap ang lalaki sa paggamit ng kaniyang cellphone, ayos lang, basta’t ang mahalaga ay hindi lumalabag sa health protocol na ipinatutupad sa loob ng naturang establisyimiento.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Masyado namang masunurin si Kuya! Hahaha. Puwede naman pong upuan iyan, kasi wala ka naman po yatang katabi sa mesa hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “At least marunong sumunod, kaya lang mababatukan mo siya hahaha.”

“Good vibes ka, Kuya! Hahaha. Ang cute mo po. Puwede ka naman pong umupo eh, hahaha, saka bakit mo pahihirapan ang sarili mong pumosisyon nang ganyan, eh puwede ka naman mag-cellphone habang nakatayo? Pinahirapan lang niya sarili niya hahahaha, pero in fairness nakakaaliw!” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Sa loob ng mga establisiimyento, mahalaga ang pagsunod sa mga health protocols, subalit susuriin mo rin ang mga sitwasyong gaya ng ipinakikita ng larawan.

Source :

Facebook