Katolikong nurse ibinahagi ang engkuwentro sa Protestanteng COVID-patient




Imahe mula sa Facebook account ni AJ Roldan Villanueva
  • Isang nurse ang nagbahagi at nagpatunay na makapangyarihan talaga ang pagdarasal sa Diyos
  • Sabay silang nanalangin ng kaniyang pasyenteng may COVID-19 sa kani-kanilang paraan dahil magkaiba sila ng relihiyon
  • Sabay rin nilang nasaksihan ang napakabilis na katuparan ng kanilang kahilingan, na maituturing na isang biyaya mula sa Poong Maykapal

“Hindi hadlang ang pagkakaiba-iba ng relihiyon sa panahon ng pagtutulungan o pagdadamayan.”

Iyan ang pinatunayan ng isang attending nurse na nagngangalang ‘AJ Roldan Villanueva’ matapos niyang ibahagi ang naging engkuwentro niya sa pasyenteng kataliwas niya ng relihiyon, at kung paano nila napatunayan ang kapangyarihan ng dasal at pananampalataya sa Diyos.

Makikita ito sa Facebook post ng nagbahaging nurse.

Imahe mula sa Facebook account ni AJ Roldan Villanueva

Ayon sa kaniyang kuwento, nahihirapan daw huminga ang kaniyang pasyente na may COVID-19.

“On the 12th hour of my 16 hours shift last night, assisting my patient who is in “high flow” rate oxygenation and o2 saturation dropping to 44% to undetectable at pulse ox, with chills and nail beds turning to purple,” aniya.

Ibinahagi niya ang naging pag-uusap nila ng kaniyang pasyente na isang Protestante, habang siya naman ay isang Katoliko.

Ayon umano sa pasyente ay “nagchi-chills ako. Nahihirapan ako talagang huminga. Hindi tumataas man lang ang oxygen sat (o2sat) sa pulse.”

Tugon naman ng nurse, “Sir, labanan mo po ‘yan ah! Mukhang magfi-fever po kayo. Relax lang po kayo sir and pray lang po.  Ano po bang religion ninyo?”

Sumagot naman daw ang pasyente na siya ay isang Protestante. Sinabihan niya ito na sabay silang magdasal, batay sa kanilang mga paniniwala at relihiyon.

“Ako po, Catholic. Pero sige po, mag-pray po kayo sa religion ninyo and ako po magdadasal din po para sa inyo,” saad ng nurse.

Public Domain Image

Maya-maya, pareho nilang nasaksihan ang ‘himala.’

“I stayed with the patient silently prayed. And 7-10 mins after, oxygenation starts to increase. From undetectable sats to increasing to 40s, increasing to 90’s. and the chills suddenly went away. (Kinilabutan naman talaga ako) Wow, napaka bilis naman ni Lord tumugon. Really amazes me what prayers can do,” pahayag ng nurse.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga namanghang netizens.

“God is good and amazing… faith changes everything, the healing comes instantly. Praying for your complete healing po,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Iyan din sabi ko sa isa mong patient under your care diyan sa Tent 3 pray lang tayo… now she is on the road to recovery. Thank You Lord!”

“Wow… the miraculous power of prayer. May God be with you always, nurse!” wika naman ng isa.

Samantala, makalipas ang ilang araw, isang makahulugang Facebook post ang ibinahagi ng nurse. Hindi niya tinukoy kung sinong pasyente ang namaalam na.