High-class pet dog kinaaliwan; may split-type aircon ang tirahan




Imahe mula sa Facebook page na Fashion Boxes
  • Namangha ang mga netizens sa isang pet dog
  • Tinagurian itong ‘high-class pet’
  • Napakaganda kasi ng dog house nito na may split-type aircon pa sa loob

Gaano mo kamahal ang iyong pet dog? Handa ka bang magpagawa ng dog house na may aircon sa loob nito para sa kaniya?

Sa ibang bansa, makikita sa Facebook page na ‘Fashion Boxes’ ang larawan ng isang fur baby na aakalaing nasa bakuran lamang ng magandang bahay ng kaniyang fur parents, subalit kung susuriing mabuti, ito ang mismong bahay niya, with matching aircon pa! May caption itong ‘High-class pet.’ Makikita ring naka-sliding door at window ito. Huwag nang isama ang magandang floorings sa loob.

Imahe mula sa Facebook page na Fashion Boxes

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Sana all naka-split-type aircon, buti pa ang aso naka-aircon, nasaan ang hustisya?” pabirong banat ng isa.

Turan naman ng isa, “Pwede po ba mag-apply bilang aso ninyo? Marunong naman akong tumahol. Mas maganda pa ang bahay  ng aso kaysa sa bahay namin. Sige napakayaman ng amo nito.”

“Buti pa siya naka-aircon, love na love. Mapapa-sana all ka na lang talaga!” wika naman ng isa.

May benepisyo nga ba sa kalusugan ng tao ang pag-aalaga ng aso?

Tunay ngang ‘dogs are man’s bestfriend’ dahil ayon sa isang pag-aaral sa bansang Sweden na inilathala sa Journal Scientific Reports, maaaring bumaba ang tendensiya na magkaroon ng cardiovascular diseases ang mga taong nag-aalaga ng aso. Maaari din umanong mabawasan ang death risk ng isang dog lover.

Tinukoy ang mataas na antas ng pisikal na gawain ng mga taong may alagang aso na isa sa mga salik ng nasabing pag-aaral, kasama na ang pagkakaroon ng pakiramdam na ‘support at companionship’ na ibinibigay ng pagkakaroon ng alagang hayop, gaya ng man’s bestfriend.

Imahe mula sa Facebook page na Fashion Boxes / Public Domain Image

Mas maganda rin umano ang pakikipag-ugnayang panlipunan o social life at mas masaya ang mga taong may alagang aso na nakapagpapababa naman sa kanilang stress level, na maaaring pagmulan naman ng iba’t ibang mga karamdaman.

May kaakibat na responsibilidad ang pag-aalaga ng aso dahil kagaya sa mga tao, may mga pangangailangan din sila na kailangang tugunan ng kanilang mga fur parents. Kumbaga, sila ay nararapat na ituring na kabahagi o kasapi ng pamilya.