Good vibes sa checkpoint: Guwapong sundalo naispatan




Imahe mula sa Facebook page na Teachers Be Like / Public Domain Image
  • Naghatid ng good vibes ang larawan ng isang sundalo sa checkpoint
  • Marami ang nagsabing sana ganito na lamang ang lahat ng mga sundalo
  • Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Isa sa mga medyo nagdudulot ng agam-agam sa mga tao ang bawat checkpoints lalo na sa mga borderline ng bawat bayan, sa panahon ng community quarantine. Karamihan sa mga nagbabantay rito ay mga sundalo, na kung hindi kinatatakutan ay pinangingilagan.

Subalit sa isang Facebook page na “Teachers Be Like,” tila kabaligtaran ang reaksyon ng mga netizens sa larawan ng isang sundalong naka-face mask na nagdulot pa ng good vibes.

Imahe mula sa Facebook page na Teachers Be Like

“Ang higpit dito sa amin. Lalabas ka lang ng bahay, mahuhulog ka na agad sa kanya. Hahaha charot lang! GV-GV (Good vibes)  lang! Good morning,” saad sa caption ng post.

Nagkomento naman ang mga netizens hinggil dito.

“Hi sir. Payapa naman po akong sasama sa inyo, hihihi. Hindi naman po ako papalag,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Baka pagtanggal ng mask niyan, bungal pala. Huwag papalinlang. Malakas makadaya ang face mask, nakakaguwapo, lalo na kung maganda ang mga mata pataas. Tiyakin at huwag papakampante hahaha. O baka naman, may asawa o may sabit na iyan.”

“Sir! Marami po akong violations, saan po location ninyo? Ako na po mag-aadjust papunta sa inyo, mahuli mo lang ako, hahaha,” sabi naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Iba talaga ang dating kapag nakasuot ng uniform yung lalaki. Nakakadagdag sa appeal. Sana lahat ng mga nagbabantay sa checkpoint, ganyan, para imbes na mainis ka, mapapangiti ka na lang. Aminin natin, nakakadagdag naman talaga ang looks ng isang tao. Not necessarily na super guwapo na parang modelo na. Yung kaya bang dalhin ang sarili, magaling manamit, at presentable.”

Public Domain Image

“Sir kahit isang taon maghigpit, okay lang naman siguro kung ganyan ang bubungad sa iyo. Nakaka-good vibes kahit paano.”

Paalala sa post na pampa-good vibes lamang ito, na kailangang-kailangan natin sa panahon ngayon. S’yempre, wala naman sa hitsura ang husay ng isang sundalo kundi nasa kaniyang pagmamahal at dedikasyon sa kaniyang tungkuling sinumpaan para sa Inang Bayan.

Source :

Facebook