Field Contact Tracer nanawagang ayusin ang paglalagay ng mga bio details sa log book




Public Domain Image
  • Nakiusap ang isang field contact tracer
  • Huwag naman lokohin ang pagsusulat ng mga detalyeng hinihingi sa log book
  • Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Nanawagan ang isang field contact tracer o taong naitalaga upang magsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng taong nagpositibo sa COVID-19 na ayusin naman ang pagsusulat ng mga bio details o mga impormasyong hinihingi sa mga log book ng bawat establishment, upang mas maging maayos ang lahat.

Kuwento ni Holly Gabrielle Dela Paz sa ‘Stand For Truth’ ng GMA News and Public Affairs, siya mismo ay hindi sang-ayon sa kaniyang ginagawa o proseso ng contact tracing sa Pilipinas. May mga tao raw kasing hindi sineseryoso ang paglalagay ng mga impormasyon sa log book, katulad na lamang ng pangalan, tirahan, at contact number.

Public Domain Image

“May pumuntang COVID-19 patient sa establishment or mall, mate-trace back ba namin lahat? Kasi minsan hindi naman totoong info nilalagay ng mga tao. May nababasa ako roon, Adolf Hitler yung mga pangalan, o kaya Spongebob. Mako-contact trace ba namin ‘yun?” paliwanag ni Dela Paz.

Dagdag pa niya, “Hindi naman lahat ng tao ay may baong dalang sariling ballpen, tapos maghihiraman sila, isa rin iyon sa mga nagiging cause ng pagkalat ng COVID.”

Nanawagan siya na sana raw ay ayusin ang paglalagay o pagsusulat ng mga detalye sa sarili upang maging maayos ang contact tracing.

Kaya ang ginagawa na lamang daw nila, miyembro ng household na lamang ang kanilang tinatawagan upang malaman ang estado ng kanilang kino-contact trace. Mas madali raw ito kumpara sa pag-iisa-isang tawagan ang mga numerong nakalagay sa listahan, na ang iba ay inavlid naman, o kaya ay hindi nababasa.

Ang paggamit naman daw ng ‘QR Code’ ay epektibo rin subalit hindi lahat ay may kakayahang gawin ito, katulad na lamang ng mga walang cellphone, internet, o hindi maalam sa teknolohiya.

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

“These people are not taking this pandemic seriously. We can have fun as Pinoys, pero yung mga ganitong procedures were implemented to help all of us, so it should not be taken lightly,” saad ng isa.

Sabi naman ng isa, “They think COVID-19 is just a joke until they have it and I hope time will come for them to understand not to take these situation lightly. Looking forward for the team searching for them and take care.”

“The reason why Pasig ang Mandaluyong implemented QR code for contact tracing, because the registration needs your contact details. May lugar at panahon po para sa fun, hindi sa lahat ng pagkakataon, gaya ng mga ganitong seryosong bagay,” wika naman ng isa.

Panoorin ang ulat ng ‘Stand For Truth’ via Facebook: