Fairy tale-themed maternity photoshoot ng isang vlogger pinag-usapan




Imahe mula sa Facebook account ni Zeinab Harake
  • Pinag-usapan ang fairy tale-themed maternity photoshoot ng isang social media influencer
  • Itinampok niya ang mga Disney Princess na sina Snow White, Belle, Arielle, Aurora, Jasmine, at Cinderella
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Impluwensya ng pananakop ng mga Amerikano sa ating bansa ang pagkahilig sa pagbabasa ng mga fairy tales, at naging bahagi na rin ng ating kultura. Sinong bata at nagdaan sa pagkabata ang hindi nakakikilala kina Snow White, Sleeping Beauty, Rapunzel, Cinderella, at marami pang iba?

Iyan ang tema ng maternity photoshoot ng vlogger at social media personality na si Zeinab Harake na makikita sa kaniyang mga social media platforms. Mistulang Disney-Princess si Zeinab na talaga namang glamorosa at pinag-isipang mabuti ang mga detalye sa kaniyang photoshoot. Tinawag niya itong ‘Disney Princess Maternity Shoot.’

Imahe mula sa Facebook account ni Zeinab Harake

Ilan sa mga itinampok niyang Disney Princess ay sina Snow White, Belle, Arielle, Aurora, Jasmine, at Cinderella.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ganda po! Pero nakita ng anak ko ang mga pics na ito, ang tanong niya sa akin ‘Daddy bakit nabuntis ang mga love kong Disney characters? Please po hindi ko alam ang isasagot talaga. Ano po magandang isagot sa anak ko? Please help me po,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Great idea! Si Jasmine and Cinderella talaga ang pinakamaganda!”

“I don’t know her, first time I come across her name… that’s why I can honestly say, for me, maganda siya, maganda ang theme, maganda ang mga pictures. Unique! Bongga! When your mind is polluted by who she is and the circumstances that surround her, your perception is affected, and you can’t see what I see,” saad naman ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Lahat bagay sa iyo, walang itulak-kabigin, ang ganda mo lahat sa mga Princess costume mo.”

Panoorin ang behind-the-scene ng kaniyang maternity photoshoot sa kanyang YouTube channel:  CLICK mo lang ang larawan sa ibaba!

Imahe mula sa Facebook account ni Zeinab Harake