Emotero at tabachingching na pet dog kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook account ni Seth Gilboy
  • Kinaaliwan ang isang pet dog sa social media
  • Bukod sa parang pinabayaan ito sa kusina, ’emotero’ din ito
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens

Sa panahon ng community quarantine, bukod sa paghahalaman, isa sa mga kinahuhumalingan ng mga tao ang pag-aalaga ng iba’t ibang pet. At syempre, hindi mawawala sa listahan ang mga pet dogs, ang tinaguriang ‘man’s bestfriend’ na talaga namang nagpapawala sa stress at anxiety na nararamdaman ng mga tao dahil sa pandemya.

Kaya naman, kinaaliwan ng mga netizens ang larawang ibinahagi ng isang fur parent na nagngangalang ‘Seth Gilboy’ na makikita sa Facebook page na ‘DOG LOVERS PHILIPPINES.’ Makikita kasi sa larawan ang isang tabachingching na pet dog, na mas kinatuwaan pa dahil tila nag-eemote pa ito sa tapat ng kanilang tarangkahan o gate.

Imahe mula sa Facebook account ni Seth Gilboy

“Quarantine na naman malabo na talagang makapag-diet,” pabirong caption ng post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow! Ang cute naman ni Doggie! Ang taba-taba! sarap yakap-yakapin!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Ganiyan din ang aking alagang aso. Super takaw rin, at pagkatapos kumain, lumalabas ng bahay at tumatanaw sa labas. Bawal po lumabas!”

“Very huggable fur baby! Sa akin ka na lang please!” sabi naman ng isa.

Ang mga pet dog ay magiging matalik na kaibigan lamang ng isang tao kapag nakatanggap siya ng wastong pangangalaga. Ang mga hayop na ito ay nangangailangan ng oras, pasensya at pagmamahal. Ibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng alaga, bigyan ito ng pagkain, tubig at isang komportableng lugar upang magpahinga.

Public Domain Image

Kung may sapat na oras pa, simulan ang pag-iisip tungkol sa mga paraan ng pagsasanay at turuan ang aso ng ilang mga pangunahing utos. Maglaan ng oras para sa kaniya. Kung mamahalin mo ang mga pet dogs, tyak na mamahalin a rin nila.