‘Don’t give up!’ Netizen may mensahe sa mga taong lubog sa utang




Imahe mula sa Facebook page na CFO PESO SENSE
  • Huwag mawalan ng pag-asa – Iyan ang mensahe ng isang concerned netizen na nakaranas na malubog sa utang
  • Payo niya sa mga financially broke, huwag pakawalan ang mga oportunidad na dumarating

Lubog ka ba sa utang? Nawawalan ka na ba ng pag-asa na makaahon sa kumunoy na ito?

Ibinahagi ng isang concerned netizen sa Facebook page na ‘CFO PESO SENSE’ ang pinagdaanan nila ng kaniyang partner, na halos mabaon o malubog sila sa utang, subalit nakaahon din naman sa pamamagitan ng tamang diskarte at pagsunggab sa iba’t ibang mga oportunidad na dumating sa kanila.

Imahe mula sa Facebook page na CFO PESO SENSE/ Public Domain Image

“I was in network marketing, until now naman pero ‘di ganoon ka-active unlike before. Lagi kaming mina-mindset na wala nang mas gaganda pa sa networking. I don’t fully believed in it kasi maraming yumayaman dahil sa iba’t ibang investment at negosyo,” panimulang pagsasalaysay niya.

“Masasabi kong kumita naman talaga ako doon dahil 3 months lang, nakakuha ako ng kotse pero hulugan naman ‘yon. Noong nagka-COVID, we decided to stop kasi parang ang liit ng kikitain namin pag pinush namin yung networking,” giit pa niya.

Sinubukan daw nila ang iba’t ibang mga raket para lamang makaipon, dahil nga naapektuhan ang kaniyang networking ng pandemya. Bumalik daw siya sa pagiging VA o Virtual Assistant. Ang partner naman niya ay pinasok ang iba’t ibang mga raket o sidelines.

“2020, I went back working as a VA. Then si BF ko naman worked on different raket. As in lahat ng puwedeng pasukin, niraket niya. Carpool, buy and sell ng computers, etc.. pero ‘di talaga kami makaipon kasi may kotse pa na hinuhulugan. Those were the days na yung sweldo ko at raket niya ay saktong-sakto lang sa monthly expenses namin, madalas kulang pa kaya umuutang pa kami kung kani-kanino.”

Public Domain Image

Ngunit noong Setyembre 2020, isang oportunidad ang dumating sa kanila, bagama’t hindi naman nila tinukoy kung ano ito. Nang sinunggaban nila ang oportunidad na ito, dito na sila nakaluwag-luwag sa usaping pinansyal. Mahina raw sa simula subalit at least, hindi na sila kinukulang.

Kaya naman, ibinahagi ng netizen ang kaniyang mga natutuhan sa kaniyang mga karanasan pagdating sa pera.

“Sobrang saya lang… we experienced mawalan, as in negative pa. Pero na-experience din namin magkaroon.. at isa lang sa natutuhan ko, hangga’t nariyan ang opportunity, make the most out of it at itabi lahat ng kikitain,” aniya.

Nag-iwan siya ng mensahe para sa lahat ng makakabasa ng kaniyang testimonya.

“Sa lahat ng lubog sa utang at bayarin katulad namin, don’t give up. Baka ‘yung idea na sinu-suppress mo, diyan ka kikita nang malaki… go push for it!”

Public Domain Image

Kaya naman sa mga financially broke diyan, tatandaang may katapusan din ang lahat: don’t give up!

Source :

Facebook