Doc Willie Ong: “Kung walang vitamins, 1-2 saging sapat na”




Imahe mula sa Facebook account ni Doc Willie Ong / Public Domain Image
  • Uminom ng vitamins, kumain ng prutas at gulay
  • Iyan ang payo ni Doc Willie Ong upang mapalakas ang pangangatawan
  • Hindi raw ito 100% pero puwede na rin

May payo ang sikat na doktor na si Doc Willie Ong para mapalakas ang resistensya ng katawan, upang kahit paano ay may panlaban sa mga sakit, lalo na ang COVID-19.

Makikita sa kaniyang Facebook post na kung may sapat na pera o budget naman, maaaring bumili ng vitamins. Kung wala naman, makatutulong ang pagkain ng mga prutas, partikular ang saging.

Imahe mula sa Facebook account ni Doc Willie Ong

“Tulad ng payo ko, kung may budget puwede mag-vitamins. Kung walang budget, puwede mag-saging o prutas na lang. 1-2 saging pampalakas ng katawan,” saad ni Doc Willie.

Ibinahagi niya rin kung ano-anong vitamins ang iniinom niya.

“Ito iniinom namin isang taon na. Vitamin C tablet, Vitamin D tablet at Zinc tablet. May probiotic capsule ako para sa tiyan. May Iron at potassium tablets pa si Doc Liza (misis niya). Kahit generic okay lang po para makamura.”

May pahabol pa siyang paalala.

“Note: Hindi ito 100% pero puwede na rin. Mask pa rin ang mahalaga. Puwede na muna ito habang wala pang sapat na supply ng bakuna. God bless.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Doc I’m glad you mentioned/recommended generic brands para makamura. It means a lot coming from you,” sabi ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Kami po walang vitamins na iniinom. One year na rin kasi buhat nang mawalan ng work dahil sa pandemya. Pero healthy and fresh naman po na mga gulay ang panay namin nauulam galing sa aming mga tanim.”

“Tama po kayo Doc. Sa mga prutas lang din galing ang vitamins at natural pa ang pagkaing prutas. God bless po sa inyo Doc at salamat sa maraming payo po ninyo,” saad naman ng isa.

Kaya tandaan, sabi nga ni Doc, uminom ng vitamins o kumain ng prutas at gulay upang may panlaban sa sakit.

Source :

Facebook