Community pantry sa Marikina namahagi ng mga sapatos, tsinelas




Public Domain Image
  • Kakaiba ang community pantry sa Marikina City
  • Sa halip na mga pagkain, mga footwear ang ipinamamahagi nila
  • 80% ng mga shoemakers ay napilitang magsara ng negosyo dahil sa matinding pagkalugi

Hindi na talaga paaawat ang mga community pantry sa iba’t ibang panig ng bansa, at ang nakatutuwa rito, iba-iba rin ang paraan at tulong na ibinibigay, na kung pagbabatayan ang tagline, ‘ayon sa kakayahan.’

Sa halip na mga pagkain, mga sapatos at footwear ang ipinamahagi ng ‘Otto and Ely Knows shoes’ sa mga residente ng Barangay Sto. Niño, sa Marikina City. Ang lungsod ng Marikina ay kilala bilang ‘Shoe Capital of the Philippines’ dahil ipinagmamalaki nila ang industriya ng paglikha ng matitibay na sapatos at footwears, hindi lamang sa sariling bansa, kundi sa buong daigdig.

Public Domain Image

“Kasi yung nangyayari ngayon medyo stressed ang mga tao, sabi namin, kung pwede kami makatulong sa ibang paraan para mamigay kami ng katuwaan dito sa community namin dito sa Marikina,” ayon kay shoemaker Elise Ebullan.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ibang klase rin ang Marikina community pantry dito, sapatos at tsinelas naman ang ipinamamahagi nila diyan. Kapaki-pakinabang din ang ibinabahagi nila sa mga taong walang kakayahang bumili ng sapatos at tsinelas. Mabuhay ho kayo!!! Pagpalain nawa kayo ng Maykapal sa inyong mabuting gawain,” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Okay lang iyan, very unique, pero sana panatilihin pa tin po natin ang social distancing kasi kapag ganyang may social gatherings, talagang hindi matatapos ang hawahan ng COVID-19.”

“We need only an act of kindness, more and more will just follow, and we ll all get through this crisis, hope nobody will be left behind. We don’t need loans for bayanihan, the common people are hopes of our country,” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Nagsimulang kilalanin ang Marikina bilang “Shoe Capital of the Philippines” noong 1956 matapos ma-establish ang shoemaking industry. Talaga namang masigla ang industriyang ito, hanggang nga sa dumating ang pandemya. 80% ng mga shoemakers ay napilitang magsara ng negosyo dahil sa matinding pagkalugi.