Baby na ‘pinaglihi sa yelo’ kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook page na Metro Headlines / Public Domain Image
  • Kinatuwaan ng mga netizens ang ‘sentimyento de patatas’ ng isang amang nag-aalaga sa kaniyang baby
  • Mahirap daw mag-alaga ng anak na ‘pinaglihi sa yelo’
  • Ginaw na ginaw na ang ama sa aircon subalit parang hindi naman nakararamdam ng lamig ang kaniyang anak

Ang pag-aalaga sa sanggol ay hindi madaling gawain, lalo na’t buhay ng bata ang pinag-uusapan dito. Lahat kasi ng mga mangyayari sa kaniya sa batang edad ay tiyak na dadalhin niya sa kaniyang paglaki at pagtanda. Kaya naman, inaasahang palalakihin sa tama, wastong aruga at pagmamahal ang sanggol, kasehodang masakripisyo pa ang sariling pagtulog sa gabi, matiyak lamang ang kaligtasan nila.

Kaya naman, ibinahagi ng isang ama sa Facebook page na ‘Metro Headlines’ ang nakatutuwa niyang karanasan sa pag-aalaga ng kaniyang baby. Mahirap daw palang magpalaki ng anak na ‘pinaglihi sa yelo.’

Imahe mula sa Facebook page na Metro Headlines

“Hirap maging ama ng anak na pinaglihi sa yelo,” saad sa caption.

Makikita kasi sa kalakip na mga larawan na habang ginaw na ginaw ang naturang ama dahil sa aircon ng kanilang kuwarto at balot na balot siya ng kumot, wala namang kakumot-kumot ang kanilang baby, na para bang hindi alintana ang lamig sa loob ng kuwarto.

Marami naman sa mga magulang ang naka-relate at nagbigay nhg kanilang komento hinggil dito.

“Relate… wala kaming aircon, pero kapag kinumutan or nagmedyas or pajama sa gabi… nakuuu!! Tagaktak pawis, panay check at palit ng sapin sa likod baka matuyuan ng pawis, baka kasi mapulmonya naman,” wika ng isa.

Turan naman ng isa, “Ganyan din bunso ko. Kapag kinukumutan ko inaalis naman tapos iiyak. Bakit nga ba hindi ginawin ang mga babies?”

“Nilalamig naman sila, problema hindi nila maparating kasi hindi pa sila nakakapagsalita. Kaya mahirap magpalaki ng anak kasi talagang mapupuyat ka, matiyak mo lang na ligtas at nasa maayos na kondisyon ang sanggol. Kaya sa mag-asawa, kailangang tulungan. Halinhinan dapat sa pag-aalaga ng anak, tutal, sabay naman ninyong nagawa.”

Public Domain Image

Ikaw, ganito rin ba ang iyong karanasan?

Source :

Facebook