Ayuda ng San Miguel, Bulacan para sa mga pamilyang positibo sa COVID, mamahaling delata, frozen goods at gatas




Larawan mula sa FB post ni Mayor Roderick Tiongson
  • Pangmalakasan ang ayuda para sa mga tinamaan ng C0VID-19 sa Bayan ng San Miguel, Bulacan
  • Mamahaling brand kasi ng ham, luncheon meat, gatas, at frozen meat ang ipinamamahagi ng LGU
  • Iba-iba naman ang reaksiyon ng mga netizen patungkol sa nasabing ayuda ng San Miguel

Nakasailalim muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Kalakhang Maynila kasama ang ilang karatig na lalawigan dahil sa muling pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng C0VID-19.

Isa sa mga lalawigang nasa ECQ ngayon ay ang Bulacan. Isa ang Bulacan sa mga nakapagtatala ng matataas na kas0 araw-araw nang magsimula ang surge nitong Marso. Dahil dito, nakaatang muli sa lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng ayuda sa mga mamamayan, higit para sa mga tinatamaan ng sakit lalo’t pami-pamilya ang naiuulat na nagpopositibo ngayon.

Larawan mula sa FB post ni Mayor Roderick Tiongson

Kaugnay nito, trending ang lokal na pamahalaan ng bayan ng San Miguel sa Bulacan dahil sa kanilang pangmalakasang ayuda para sa mga pamilyang nagpositibo sa C0VID. Ibinahagi ng Facebook page na Reporma at Tagumpay Bayan ng San Miguel ang larawan ng kanilang ayudang kinabibilangan ng mga mamamahaling produkto.

Kung nasanay tayo sa ayudang noodles, sardinas, bigas, at 3-in-1 na kape noong kasagsagan ng lockdown, ang LGU ng San Miguel ay iba ang handog para sa mga naka-home quarantine dahil nagkaroon ng virus.

Makikita sa larawang ibinahagi ng page ang basket ng mga ayuda. Kasama rito ang mamahaling brand ng luncheon meat, corned beef, sausage, cooked ham, fresh milk, hotdog, at mamahaling gatas para sa mga may edad na.

“Mga kababayan, handog ko po ay munting tulong para sa mga pamilya na nagpositibo at na-lockdown dahil sa C0VID-19. Samahan po natin ng patuloy na pag-iingat at pagsunod sa health protocol upang tayo ay makaiwas sa pagkahawa sa sakit na ito,” pahayag ng post ng alkalde ng San Miguel na si Roderick Tiongson.

Larawan mula sa FB post ni Mayor Roderick Tiongson

Umani ito ng magagandang feedback mula sa mga Bulakenyo dahil ibinahagi rin ito ng Facebook page na Bulakenyo Ph. Siyempre, dumagsa ang pambansang linyahan ng marami ngayong “sana all.” Sabi naman ng iba, di bale na raw walang ayuda basta walang karamdaman.

Habang isinusulat ang istoryang ito, nasa 37 ang aktibong kas0 ng C0VID sa bayan ng San Miguel at 228 naman ang kabuuang kas0ng naitala ng LGU.

Basahin: Netizens napa-‘sana all’ sa ayuda ng Gapan mayor sa pamilya ng mga residenteng COVID-19-positive

Napa-“sana all” ang mga netizens sa ayudang ibinigay ng city government sa pamilya ng mga residenteng nagpositibo sa COVID-19.

Kabilang sa mga ayuda ang SPAM at iba pang brand ng luncheon meat, de-latang ham, isang kilong Purefoods Hotdog, de-latang corned beef, fortified milk at chocolate drinks, powdered milk, sari-saring mga prutas, cup noodles, mga face shields, isang sakong bigas at mayroon ding cash.