Ate Gay labas-pasok sa ospital dahil sa pneumonia; tulong mula sa mga kapuwa celebrities dumagsa




Larawan mula sa Facebook account ni Ate Gay/ Gil Morales
  • Nasa 0spital ngayon ang mash-up queen na si Ate Gay
  • Labas-pasok ito sa pagamutan dahil sa kaniyang kalagayan
  • Dagsa naman ang tulong at dasal para kay Ate Gay mula sa mga kaibigan at fans

Kasalukuyang nasa 0spital ang komedyante at tinaguriang mash-up queen na si Ate Gay o Gil Morales sa totoong buhay. Sa magkakasunod na Facebook post ay ipinababatid ni Ate Gay ang kaniyang pakikipaglaban sa pneum0nia.

March 14 nang unang mag-post si Ate Gay ng kaniyang larawan sakay ng isang wheelchair habang nakaswero. Ilang araw ang lumipas ay masaya nitong ibinalitang negatibo ang resulta ng kaniyang swab test para sa C0VID-19.

Gayunman, kinailangan ni Ate Gay na manatili muna sa 0spital nang ilang araw upang magpalakas. March 19 nang inanunsiyo ni Ate Gay na nakalabas na siya ng pagamutan.

Larawan mula sa Facebook account ni Ate Gay/ Gil Morales

Ngunit ilang araw ang lumipas, muling nag-post si Ate Gay sa kaniyang Facebook account ng larawan sa isang kama sa 0spital. Dito ay makikitang may mga aparatong nakakabit sa komedyante at kapansin-pansin din ang nagsusugat nitong mga labi.

Ayon sa isang panayam sa kapatid ni Ate Gay na si Mary Ann Morales, muling na-confine ang mash-up queen noong March 25 dahil sa paghina ng immune system nito dahil sa pneum0nia. Noong mga unang araw daw ni Ate Gay sa 0spital ay hindi raw ito nakakausap at nakatatayo.

Pinapakain rin si Ate Gay sa pamamagitan ng Nasogastric Feeding Tube (NFT) na nakakabit sa kaniyang ilong diretso sa kaniyang bituka. Bumubuti naman na raw ang kalagayan ng kapatid at maganda naman umano ang tugon nito sa mga gam0t sa kaniya.

Hindi rin naman nakalilimutan si Ate Gay ng kaniyang mga kaibigan sa showbiz. Sa ilang post, inilahad ni Ate Gay na tinutulungan siya ng ilang kasamahan sa comedy bars, maging ang mga premyadong komedyanteng sina Jon Santos at Paolo Ballesteros.

Larawan mula sa Facebook account ni Ate Gay/ Gil Morales

Noong nakaraang taon ay nag-trending rin si Ate Gay dahil sa binuksan niyang siomai business na “Siomai Himala.” Ito ang naging tugon ni Ate Gay nang mawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. Ngunit nang muling makatanggap ng mga proyekto sa showbiz, isinara na ni Ate Gay ang nasabing munting negosyo.

Hinihiling ng pamilya ng komedyante ang dasal mula sa kaniyang fans upang agad nang makabalik sa entablado si Ate Gay at maipamalas ang kaniyang mash-up songs.

Panoorin ang isang video ni Ate Gay sa 0spital:

Source :

Facebook, Abante