Alaala ng nakaraan: Nakaranas ka bang kumain at matulog sa kawayang sahig?




Image via @magsasakamabuhayka | Facebook
  • Normal lang sa mga bahay sa Pilipinas noong araw ang pagkakaroon ng kawayang sahig
  • Sa Facebook, binalikan ng mga ‘young once’ ang panahong nagsisilbing kainan at pahingahan nila ang sahig na gawa sa kawayan
  • Anila, simple lamang ang buhay noon; saan sama-samang kumakain at natutulog sa sahig  ang mga nakatira sa payak na tahanan

Karaniwan lamang sa mga simpleng bahay sa Pilipinas noon ang pagkakaroon ng kawayang sahig kaya naman maraming Pilipino ang nakaranas kumain, magpahinga, at matulog dito. Ngunit higit pa sa mga nabanggit, hindi rin matatawaran ang mga alaalang nabuo dito; mga gunitang binabalik-balikan pa rin sa paglipas ng panahon.

Image captured from Facebook

Dahil sa post ng isang Facebook page, binalikan ng mga ‘young once’ ang panahon ng kawayang sahig. Isa-isa silang tumugon sa caption ng admin na, “Kaway-kaway sa mga nakaranas matulog at kumain gamit ang kawayang sahig.”

“I’m proud to say, ‘Yes!'” sagot ng social media user na si Precious Alvarez. “One hundred percent gawa sa bamboo ang bahay namin at hindi ko ikinahihiya ‘yon.”

“Madami ako memories diyan noong nabubuhay pa ang tatay ng mga anak ko noong kami ay nasa Pampangga,” pagbabahagi ni Lorna Abon. “Diyan kami kumakain, ganiyan ang aming higaan, at diyan din ako nagsilang nang dalawang beses.”

“Proud akong diyan kami natutulog. Diyan din kami kumakain kasi noon wala kaming lamesa. Pinupunasan lang namin ng basang basahan na may sabon at kapag natuyo, lalampasuhin namin ng dahon ng saging, tapos makintab na iyan at makinis pa,” kuwento ni Jhoan Elustre.

“Masarap humiga diyan kasi malamig. Sa probinsya, ganiyan ang sahig namin,” ani Letsy Echon.

“Kami noong 1955, sa Daraga, Albay, ganiyan tinutulugan namin ng kapatid at lola ko,” pagbabalik-tanaw ni Rogelio En Edith Tampucao.

Samantala, mayroon din naman na hanggang ngayon ay ganito pa rin daw ang sahig sa bahay.

Image captured from Facebook

Ikaw, may maibabahagi ka rin ba tungkol sa kawayang sahig?

Source :

Facebook