“Add to cart mo ba?:” ‘Haunted house for sale’ pinag-usapan ng mga netizens




Imahe mula sa Facebook page na Only in the Philippines
  • Pinag-usapan ng mga netizens ang isang lumang bahay
  • ‘Haunted house for sale’ raw ito
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Usong-uso ang pagsasabi ng ‘Add to cart’ sa panahon ngayon, na tumutukoy sa pamimili ng mga produkto sa online shopping. Mas convenient kasi ang ganoong paraan ng pagbili, lalo na sa panahon ng pandemya, kung saan hinihimok ang lahat na manatili na lamang sa loob ng kani-kanilang mga tahanan, kung hindi naman kinakailangang umalis.

Kaya naman, bilang pampa-good vibes ay sinabi ng isang netizen na nagngangalang ‘Leon San Diego’ na for sale ang isang abandonadong malaking bahay o mistulang haunted house sa Facebook page na ‘Only in the Philippines.’ pabirong sinabi ng netizen na murang-mura na ito at marami pang ‘kakaibang’ features.

Imahe mula sa Facebook page na Only in the Philippines / Public Domain Image

“For Sale: House and Lot 50,000 pesos only! Murang-mura lang mga Ma’am, Sir. Maganda location, tahimik — malapit sa sementeryo. Medyo luma lang pero pwede naman ipa-renovate. Automatic front door, kusang bumubukas sa gabi.”

“Pwede sa mga single at gusto mapag isa, pero huwag po kayong mag-alala kasi kahit mag-isa ka, para kang may kasama. Issue: May umiiyak tuwing gabi. (BBTM) It’s joke time,” saad ng netizen, kalakip ang lumang larawan nito, na kamukha ng mga bahay na ginagawang shooting place ng mga pelikulang horror.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Kung totoo lang talaga ‘yan big brother, kahit doble ang presyo kukunin ko’yan, restoration ang magandang gawin diyan at tatakutin ko na lang yung mga nagmumulto para magsi-alis. Magtakutan na lang kami,” wika ng isa.

“Puwede na ‘yan. Puwedeng-puwede na sa Halloween! Hahaha. Kung ako makakabili niyan, pagigiba ko na lang yung bahay. Yung lupa mukhang malaki. Tatamnan na lang. Wala naman problema yung halaman hindi naniniwala sa multo,” sabi naman ng isa.

Sa Pilipinas, kinatatakutan ang mga haunted house lalo na ang mga bahay na matatanda na o naitayo sa panahon ng Kastila, Amerikano, at Hapon.

Public Domain Image

Ikaw, kung sakaling may pagkakataon at may sapat na pera, bibilhin mo ba ang naturang bahay?

Source :

Facebook