Sharon Cuneta binigyan ng ayuda ang isang balut vendor




Imahe mula sa Facebook account ni Prince Abegeill Magno Manzanolaao
  • Nagpasalamat ang isang balut vendor kay Megastar Sharon Cuneta
  • Inabutan daw siya nito umano ng ‘ayuda’
  • Ang ayuda ay terminong ginagamit sa pagbibigay ng tulong sa isang tao sa panahon ng kalamidad o sakuna, gaya ng pandemya

Isang balut vendor ang nakatanggap ng espesyal na ayuda mula kay Megastar Sharon Cuneta, na talagang kinalugdan ng mga tagahanga at tagasubaybay ng beteranang aktres, na muling nagbabalik sa pelikula na may pamagat na ‘Revirginized.’

Ibinahagi ng mismong balut vendor na si ‘Prince Abegeill Magno Manzanolaao’ sa kaniyang Facebook post ang naging kabutihan ni Mega.

Imahe mula sa Facebook account ni Prince Abegeill Magno Manzanolaao

“Maraming-maraming salamat po sa perang naitulong ninyo sa akin, sobrang thank you po kay Madam Sharon at sa lahat lalo na rin po kay Sir Nelson Espinosa, sobrang salamat po,” saad ng balut vendor.

Bagama’t hindi naman idinetalye kung magkano ba ang naitulong ni Megastar sa kaniya, umani naman ito ng iba’t ibang papuri mula sa mga netizens.

“Iyan ang Megastar, kung ano ‘yung kinaganda ng mukha mas maganda ‘yung kalooban. God bless po,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Mama, you are the very definition of pure heart. Truly an inspiration. The most generous and beautiful soul, so kind and caring towards everyone.”

“The best po talaga kayo! Maganda na busilak pa ang inyong puso! Kaya naman po maraming blessing na dumarating! God bless you po!” wika naman ng isa.

Sabi ng isa, “Continue to be a blessing to others especially to the needy people, good job Mega, we are so proud of you.”

Imahe mula sa Facebook account ni Prince Abegeill Magno Manzanolaao

Samantala, may ilan namang nagtanggol kay Mega sa mga nagsasabing ginagawa lamang daw niya ito dahil may pelikula siya, at isa sa mga judge sa muling pagbabalik ng ‘Your Face Sounds Familiar’ sa Kapamilya Channel.

“Magpasalamat na lang tayo dahil ang hindi natin kayang gawin, nagagawa nila sa kapwa-Pilipino kaysa husgahan pa ng masamang komento.” saad ng isa.

Pahayag naman ng isa, “Mentality talaga ng mga Pilipino, kakaiba. May gawin kang maganda, may nasasabi. May hindi ka gawin, may sasabihin pa rin. Eh ‘di doon na lang tayo sa isang bagay na at least, may masabi man sila, nakatulong naman sa kapwa.

Hindi yata batid ng iba na maraming scholars ang megastar? At sa mga prestihiyosong paaralan pa.

#Pasasalamat: Sharon Cuneta surprised by her scholars through a video on her special day

Good job, Mega!