Real talk: Hinanap mo rin ba ang iyong sarili?




Imahe mula sa facebook page na Note / Public Domain Image
  • Ano nga ba ang ibig sabihin ng “paghahanap sa sarili?”
  • Iyan ang ipinaliwanag ng isang unknown netizen sa isang Facebook page
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Narinig mo na ba ang mga litanyang “Hahanapin ko muna ang sarili ko?”

Mapapaisip tayo. Paanong hahanapin ang sarili eh hindi naman nawawala ang sarili mo? Kung nasaan ka ngayon, nariyan lang din ang katawang pisikal mo: nakaupo, nakatayo, nakahiga, o kung ano pa man ang ginagawa mo. Hindi naman nahihiwalay ang kaluluwa sa katawan, maliban na lamang kung “oras” mo na.

Imahe mula sa facebook page na Note / Public Domain Image

Subalit totoong may mga taong nagnanais na hanapin ang kanilang mga sarili. Hindi man literal na nawawala, subalit may mga sandaling tila hindi mo na alam ang ginagawa mo. Masaya ka pa ba? Okay ka pa ba? Nakikita mo pa ba ang kabuluhan at kahulugan kung bakit mo ginagawa ang isang bagay? Iyan ang ipinaliwanag ng isang unknown netizen sa inspirational Facebook page na “Note.”

“Dadating talaga yung time na magkakaroon ka ng self-doubt, na baka kaya walang nadating is dahil may kulang sa yo, may mali sa yo, pero ang totoo yung iniisip mo yung mali,” saad sa post.

“Walang kulang sa ‘yo. Walang problema at walang mali. Minsan sa buhay natin, may mga time na hindi pa oras. So kung hindi pa ngayon, sana sarili mo muna.”

“(Sa) sarili mo muna ikaw magfocus, not because walang nadating (dumarating) is hindi ka worth it. No, God has a better plan for you. God is doing something for you.”

“Have faith, may mga bagay na hindi pa binibigay sa ‘yo kasi hindi ka pa ready, and minsan ay dahil may mas better Siyang plano sa ‘yo. Trust God and be patient. For now, unahin mo sarili mo.”

Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang feedback mula sa mga netizens.

“Ito yung gusto ko eh. I want to focus to myself muna, yung no worries sa ibang bagay kasi I’m tired, I’m weak, I’m not good enough. SARILI MUNA,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “It’s true! To my future partner see you in God’s perfect time. I am preparing for myself and for our better future.”

Ikaw, nahanap o hinahanap mo pa rin ba ang sarili mo?

Source :

Facebook