Propesor na nagtimpla ng kape sa buong boiler kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook account ni Jerald Jay Ramos
  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang propesor sa kolehiyo 
  • Hindi lamang sa tasa o mug nakalagay ang kaniyang tinimplang kape
  • Nakalagay ito sa malaking boiler

Anong kaya mong gawin dahil sa pagkahilig mo sa kape?

Para sa netizen na si Jerald Jay Ramos, isang propesor sa kolehiyo, kayang-kaya niyang uminom nito hindi lamang sa isang tipikal na tasa o mug, kundi sa malaking boiler nito, na naghatid naman ng good vibes sa social media. Makikita sa kaniyang Facebook post na inilagay niya sa naturang lalagyanan ang kaniyang kape, na aminadong talagang mahilig siyang uminom nito.

Imahe mula sa Facebook account ni Jerald Jay Ramos

Nang mga sandaling iyon ay malamig daw ang klima sa Mindoro dahil sa pag-ulan, kaya naisipan niyang uminom ng kape, dahil sa temperatura. At dahil marami nang nangyayaring hindi kaaya-aya sa paligid, sinikap niyang maghatid ng pampasaya hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat. Nagtagumpay naman siya!

“Hindi po maganda ang panahon dito sa Mindoro at sobrang sarap magkape kapag malamig ang panahon. Napakaraming hindi magagandang nangyayari. At least sa ganitong paraan magkakaroon tayo ng idea para sumaya,” paliwanag niya.

Paglilinaw niya, katuwaan lamang daw ito at hindi kailangang seryosohin.

“A friendly reminder to everyone: Puwede namang magkape, huwag lang sobra,” aniya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“I seriously hope he didn’t drink all that coffee in one go. I’m having insomnia and palpitations just looking at it, hahaha,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “When I was younger, I take 7 cups a day and it made my day brighter… but now that I am getting older, one cup every morning na lang.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jerald Jay Ramos

“Ganiyan ang ginagawa namin para tipid! Turo ng nanay namin, pero hindi ko naman iniinom lahat hahaha,” wika naman ng isa.

Sabi nga, may pros at cons ang pag-inom ng kape. Ayon sa mga eksperto, maraming benepisyo sa kalusugan ang pag-inom ng kape, bagama’t maaari din namang magkaroon ng di-magandang epekto kapag nasobrahan naman ang pag-inom.

Sabi nga, “Drink moderately!”