Pelikulang“Tililing” nakakuha ng rating na -1 out of 5 sa isang movie critic




Facebook page ng Goldwin Reviews
  • Ipinalabas na ang pelikulang “Tililing” nitong Marso 5
  • Isang movie critic ang nagbigay ng rating dito
  • Binigyan nila ito ng -1 out of 5

Nakakuha ng rating na -1 out if 5 ang pelikulang “Tililing” na dinerehe ni Darryl Yap, mula sa movie critic na “Goldwin Reviews.”

Makikita sa Facebook page  ng naturang movie critic nitong Marso 5, 2021 ang kanilang isinagawang suring pampelikula, kasabay sa pagbubukas ng pelikula sa ilang piling mga sinehan at streaming platforms.

Imahe mula sa Facebook page ng Goldwin Reviews

“Stereotypical representation of a mental disorder. Filled with gratuitous vulgar words. Amplified with unwarranted shouts and yells. Executed with no sophistication. Backed up by narrations in an effort to explain their excessive metaphors,” saad nila.

“This movie is all talk and no action. Puro salita. Kulang sa gawa. Nagbanggit sila ng mga katagang ukol sa pang-unawa at pagmamahal. Pero hindi mo ‘yun maramdaman sa ginagawa nila.”

“Puro sigawan at murahan na walang katuturan. Puro salaysay na walang saysay. Puro tula na walang tama. Ang dami nilang sinasabi. Pero hindi tumatagos. Hindi maganda ang daloy ng diskusyon. Walang maayos na pagtugon sa bawat sitwasyon.”

“Mababaw ang pagpapakilala sa bawat karakter. Dinaan sa flashbacks, text profiles at theatrical designs. Panay kaartehan ang pinapakita. Pero hindi nakakadala. Their scoring and acting may trick you into feeling sad for the characters. But the heartless execution would remind you of how agonizing the scenes are.”

Imahe mula sa Facebook page ng Goldwin Reviews

“The flow of events is nonlinear. Instead of being creative with the timeline, they just rampantly rewind and fast forward whatever scenes they can to mess with your mind. To compensate for their superficial portrayal, they try to summarize every lesson into a wordy narration deemed as empty words.”

Masyado raw naging “ambisyoso” ang pelikula sa pagpapakita ng isang sensitibong paksa. “This movie is ambitious in depicting a sensitive topic, of which they didn’t handle with care. The mental health was used as an excuse to be more playful, but not as an opportunity to be more mindful. Nakakapanghinayang. Nakakapanghina.”

“Kahit gaano mo buksan ang iyong puso at lawakan ang iyong pag-iisip, walang naidulot ang pelikulang ito kundi sakit sa ulo at sa puso.

Bago pa man lumabas ang pelikula, naging kontrobersyal na ito dahil sa poster ng kanilang pelikula, na umani ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens. Isa na nga rito ang aktres na si Liza Soberano.

Kabilang sa cast nito ay sina Gina Pareño, Baron Geisler, Chad Kinis, Donnalyn Bartolome, Candy Pangilinan, at Cai Cortez, produced ito ng Viva Films at VinCentiments.

Sa video caption ng trailer ng pelikula ay may paunang salita:  “Hindi masakit matawag na Baliw dahil ang Baliw ay maysakit at walang ginagawang masama. Ang masama ay ang manakit at may nabaliw sa sakit dahil sa iyong ginawa.”

Sa comments section ay makikita ang iba-ibang perspektibo ng netizens.