OFW ibinida ang bahay na katas ng kaniyang pinagpaguran




Imahe mula sa Facebook account ni Amy Pablo
  • Ibinida ng isang OFW ang naging katas ng kaniyang pagtatrabaho
  • Isa sa mga pinuri ng mga netizens ang makulay nitong landscape
  • Marami rin ang nagtatanong kung magkano ang nagastos niya sa kabuuan nito

Tinatawag na makabagong bayani ang mga Overseas Filipino Workers o OFW dahil sa kanilang pagsasakripisyong makasama at maalagaan ang kanilang pamilya, para lamang maitaguyod sila. Kaya naman nakapagdudulot talaga ng kasiyahan sa puso kapag nakikita ng isang OFW ang bunga ng kaniyang mga sakripisyo, paghihirap, at pagsisikap.

Kaya naman, hinangaan ng mga netizens ang Facebook post na si “Amy Escobar Pablo” matapos niyang ibida ang kaniyang naipatayong bahay na katas ng kaniyang pagiging OFW. Ibinahagi niya ito sa Facebook group na “My Dream House.”

Imahe mula sa Facebook account ni Amy Pablo

“Flex ko lang katas ng OFW,” saad niya sa kaniyang post. Kalakip nito ang ilan sa mga kuhang larawan ng kaniyang munting bungalow-type na bahay, na talaga namang classy at napakaganda! Isa pa sa mga nakapupukaw ng atensyon ay ang makulay na landscaping sa paligid nito.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow! Ang ganda naman ng bahay. Nakaka-inspire po! Magkano po ang nagastos ninyo sa pagpapagawa niyan?” tanong ng isa.

Turan naman ng isa, “Super ganda po kabayan baka naman po puwede makahingi ng floor plan, salamat po.”

“Maganda naman yung bahay, kaya lang ang komento ko lang, parang ang daming nangyayari. Pero regardless of design and colors, congratulations po sa may-ari kasi iba pa rin po ang pakiramdam na nakikita mo ang pinaghirapan mo. Yung nakikita mong may kinapuntahan talaga ang mga pagsasakripisyo at pagtatrabaho sa ibang bansa,” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Amy Pablo

Wika naman ng isa, “Wow na wow… if you don’t mind po at sana huwag po kayong magalit. Magkano po ang nagastos n’yo po… thanks!”

Pagbati sa iyo, Amy! Nakikita mo na ngayon ang bunga ng iyong mga pagpapagal!

Source :

Facebook