Netizen nagkajowa dahil sa pagbebenta ng case ng cellphone




Imahe mula sa Facebook account ni Bea Mallari / Public Domain Image
  • Ibinida ng isang netizen mula sa Pampanga kung paano sila nagkakilala ng jowa niya
  • Dahil ito sa pagbebenta niya ng case ng cellphone
  • Naging buyer ito ng kaniyang paninda at doon na nagsimula ang lahat; tatlong taon na sila

Sabi nga, lubhang mahiwaga ang pag-ibig. Hindi mo malalaman kung kailan ito kakatok. Kusa na lamang tutuhugin ng palaso mula sa pana ni Kupido ang puso mo, sa hindi inaasahang lugar, oras, at pagkakataon.

Sino nga naman ba ang makapag-iisip na posibleng magkajowa dahil lamang sa pagbebenta ng case ng cellphone? Iyan ang nangyari sa magkasintahang sina Angelo Sagum at Bea Mallari mula sa lalawigan ng Pampanga. Noong Oktubre 2020 pa ang Facebook post ni Bea na nagtitinda ng mga cellphone case subalit patuloy pa rin itong kinakikiligan.

Public Domain Image

“Umorder lang sa akin ng case noon, 3 years na kami ngayon,” saad niya sa caption ng kaniyang Facebook post. Kalakip nito ang dalawang larawan na nagpapakita ng naging kumbersasyon nila sa Messenger tatlong taon na ang nakalilipas, at ang kasalikuyan nilang larawan na talaga namang mapapa-sana all ka na lang!

Makikita sa unang larawan na screenshot mula sa Messenger na nagpadala ng PM o private message si Angelo kay Bea upang magtanong kung may itim na slim matte case para sa kaniyang cellphone. Tumugon naman dito si Bea, at sabi nga, “the rest is history.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hay naku, kapagbenta na nga lang ng mga case, o kaya iba pang mga products online! Baka mahanap ko na rin ang tamang tao para sa akin!” saad ng isa.

Pabirrong turan naman ng isa, “Sabi nga love moves in mysterious ways. Ganiyan talaga ang tadhana. Bigalng dumarating yung mga taong para pala sa atin, nang hindi natin inaasahan. Kaya bukas na bukas din, magbebenta na rin ako ng cellphone case!”

Imahe mula sa Facebook account ni Bea Mallari / Public Domain Image

“Ganyan din ang naging istorya namin ng ex ko dati, ngayon, asawa ko na siya. Huwag pakinggan ang sasabihin ng ibang mga tao, pero syempre, ingat-ingat lang din, parang mga bagets pa kayo,” wika naman ng isa.

Ikaw, gusto mo na rin bang magbenta ng cellphone case at matagpuan ang “tamang tao” para sa iyo?